cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

July 12th, 2007

Palibre ako

Posted by kwaho at 11:41 AM on July 12, 2007 in Mga Paglilimi.

Halos dalawang buwan din akong walang sariling pera. Pero nakakakain sa magagandang restaurant at nakakapanuod ng mga bagong pelikula.  Isa akong malaking palibre. Masarap kung tutuusin ngunit hanggang kailan?

Buti nalang may trabaho na ako. At ngayong unang sweldo ko, ako naman ang manlilibre ahehehehe!

Sabi nga ni kuya KIm, ang buhay daw ay weder-weder lang! Ako na naman ulit. Sana tuloy-tuloy na ito.

 

Deal a Card

June 28th, 2007

Patingin nga, HINDI NAMAN!

Posted by kwaho at 11:12 PM on June 28, 2007 in Mga Paglilimi.

Dapat magkaroon na ako ng listahan o kaya isang POLL tungkol sa kung sinong mga sikat ang kamukha ko. Kaya kung nababasa mo ito at kilala mo ko, mag-comment ka kung sino nga talaga kamukha ko. Walang gaguhan ha.

Sa mga nakilala ko ito ang madalas nilang sabihin na kamukha ko daw (sabi nila, hindi sa akin galing ito kaya hindi po ako nagyayabang) New photo

1. Anthony Taberna(s) - ng Umagang Kay Ganda ng dos

2. Rico Barrera- ng PBB season 1

3. John Nite (tama ba ispeling) ang protege ni Kuya Germs

4. Mark Bautistahindi ko rin alam kung bakit

5. Boy Abunda - lalo na nung kalbo ako at may salamin

6. Roderick Paulate - hindi ko alam kung pang asar lang ito pero peborit kong umarte to

7.  Erik Santoshindi ko rin alam hindi naman ako in-denial sa sexuality ko hehehehe at pinag-uusapan dito ay yung kamukha ko

Kung may naiisip ka pang kamukha ko na wala dito pakisabi sa akin. Basta't walang gaguhan ha. Hehehehehe

 

 

8 ang sumugal

June 8th, 2007

Pagbabawas

Posted by kwaho at 12:46 PM on June 8, 2007 in Mga Paglilimi.

bagong gupit ako

nagbawas ng buhok, pero hindi ng problema. pero sana ganun na lang ang buhay, yung pwedeng gupitin at bawasn ang mga bumabahala sa yo. Yung pwede mong itapon o itago muna sa isang tabi.

madami akong inaplayan. sana hwag matapos ang buwan na wala pa rin akong trabaho. Nagka-ayos na kami ng mama ko. kahit papano, tulad ng ulo ko, gumaan ang loob ko.

kaya ngayon mas pursigido akong maghanap ng bagong trabaho.

lablyf? saka ko na lang ikukwento.

 

 

2 ang sumugal

June 1st, 2007

Pag-asam

Posted by kwaho at 01:09 PM on June 1, 2007 in Mga Paglilimi.

May nais akong gawin.

Nais kong maglaho, mawala o magpakalayu-layo.

Dahil siguro sa dalawang bagay;

una, nais kong maintindihan at maunawaan lalo ang salitang "pag-iisa". Naisip ko, kung nasa ibang lugar ako, malayo at walang nakaka-alam, at walang nakakakilala, mas lalo kong maiintindihan ang pag-iisa. Mas lalo kong matatanggap na nag-iisa ako. Hindi ko na kailangang umasa na may pamilya ako o kabiyak. Hindi ko na kailangang maghanap ng lambing sapagkat sa lugar na walang nakakakilala sa akin, matatanggap at maiintindihan kong walang maglalambing sa lugar na iyon. Samakatuwid, ang kalungkutang dala ng pag-iisa ay hindi kasing lalim tulad ng pananatili ko dito sa Maynila. Dito malapit sa mga taong minamahal ko, ngunit tila nabulag na at hindi na makita o maramdamang nandito ako.

ikalawa, nais kong maramdaman ang halaga ko. Umaasam ako na may hahanap sa akin. May makaka-miss sa akin at muli akong kailanganin. Kung minsan pala dumadating sa isang punto sa buhay ng tao na hindi na pagmamahal ang hinahanap nya kundi halaga ng buhay nya. Self-worth. Nais kong muling maramdamang may malaking halaga o kwenta sa buhay ng mga minamahal ko hindi lamang dahil may pera ako, o may naibibigay ako upang lumigaya sila.

kaya nais kong lumayo, mawala.

pero paano kung tuluyan na nila akong makalimutan?

isang sugal talaga ang buhay!

 

8 ang sumugal

May 22nd, 2007

LIRA

Posted by kwaho at 02:19 PM on May 22, 2007 in Mga Plugging.

Simula nang muli ng palihang LIRA

Sa ikalawa ng Hunyo, ang taunang kursong pampanulaan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay muling sisimulan sa panayam ng kanilang director, si Virgilio S. Almario, na kilala rin bilang makatang Rio Alma. Ang panayam na may pamagat na Reklamasyon ng Wikang Filipino ay magsisimula nang alas dos nang hapon (2pm) sa Room 201 ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman. Ito ay libre at bukas sa publiko.

Ang LIRA ay nabuo noong 1985 at nabigyan ang mga tanyag na ngayong mga makata tulad nina Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto at Rebecca Añonuevo, Vim Nadera, at Romulo Baquiran ng lugar para sa pagtalakay at pagsusuri ng tula. Para sa iba pang kaalaman, bumisita sa http://www.lira.tk

2 ang sumugal

May 18th, 2007

namimiss kita

Posted by kwaho at 01:51 PM on May 18, 2007 in Mga Paglilimi.

ikaw nga yata ang soulmate ko

na kahit magpatayan tayo sa kalsada, magsuntukan at magmurahan sa malate.

mahulog sa motor mo at maglaslas dahil sayo

namimiss pa rin kita. at kanina nakita kong may smile sa tagboard ko.

buhay pa ko wag ka mag-alala! 

Deal a Card

May 2nd, 2007

resign

Posted by kwaho at 01:40 PM on May 2, 2007 in Mga Paglilimi.

matapos ang eksaktong dalawang buwan ko bilang Recruitment Assistant ng One Global Contact Center, sa Byernes ang huling araw ko nyahehehehehehehehe

AT WAG MO AKONG TANUNGIN KONG MAY MALILIPATAN NA AKONG BAGONG TRABAHO!

 

2 ang sumugal

« | »