
![]() |
||
![]() |
||
|
Madalas nating marinig sa balita ang mga salitang "naghuhuramentado" at "nag-aamok." Ang una ay galing sa juramentado, wikang Kastila para sa mga taong "binigkis ng panunumpa" ng kanilang pananampalataya. Ikinabit ito sa mga mandirigmang Moro na handang ibuwis ang sariling buhay para sugpuin ang paglaganap ng Kristiyanismo. Samantala, ang ikalawa naman ay galing sa amuk, wikang Malay para sa mga taong nanunugod nang walang kaabag-abag at nag-aapoy sa galit ang mga mata. Para sa media, iisa ang kahulugan ng dalawang salitang nabanggit gayong may historical at political na ugat ang una--ibig sabihin, kagitingan at katapangan--at ang ikalawa ay psychological--ibig sabihin ay pagkawala ng sariling bait ("nagdidilim ang paningin"/"nawawala sa sarili"). Kaya kapag nagwawala o nag-eeskandalo ang isang tao, sinasabing "naghuhuramentado" at "nag-aamok." Kung mayaman naman ang nagwawala, ang tawag sa kanya ay "bipolar." Hindi ba ganyan din ang mga tsismis tungkol kay Claudine Barretto lalo na noong maganap ang isang insidente sa bangko? ("Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it" - http://www.pep.ph/news/31647/claudine-barretto-loses-money-at-the-bank-money-mysteriously-disappeared-when-she-was-about-to-withdraw) Ayon sa artikulong nabanggit, galit na galit diumano si Claudine sa nangyari at maririnig pa sa isang video ang pagtataas niya ng boses. Kaya hindi na ako nagtaka kung tinaasan man niya ng boses ang empleyado ng Cebu Pacific. Sabagay, kung sa akin man mangyari ang insidente (9 sa 11 bagahe nila ay hindi isinabay sa eroplanong sinakyan nila) ay hindi ko rin maiiwasang mapikon. Ang kapal din naman kasi ng mukha ng Cebu Pacific para hindi sila abisuhan at sabihing normal lang ang ginawa nila. May termino pa nga raw dito -- "offloading policy" -- kaya hindi ito krimen. Sa kabilang banda, halata namang scoop ang gusto ni Mon Tulfo. Sabi nga niya, isusulat niya ang insidente (pagrereklamo ni Claudine; pagmumura sa empleyada; paghahanap sa manager maging sa may-ari ng Cebu Pacific na si Gokongwei). Irate customer ang peg ni Claudine. Nagbayad siya sa serbisyo ng Cebu Pacific na palpak naman (hindi lang naman ito ang kapalpakang ginawa ng Cebu Pacific ngayong unang bahagi ng taon--alalahanin 'yung insidente ng matandang pinaglakad nila sa tarmac dahil may bayad ang kanilang wheelchair). Bistado naman talaga si Mon Tulfo. Huwag niyang sabihing hindi niya kilala sina Claudine Barretto. Huwag siyang magtanga-tangahan dahil, unang-una, isa siyang journalist (journalist nga ba?) kaya inaasahang malawak ang kanyang kaalaman. Sigurado naman na pangalan ni Claudine Barretto ang ilalagay niya sa kanyang column sakaling hindi naganap ang pambubugbog sa kanya. Teka, sinabi niyang nilagay niya ang cellphone niya sa kanyang "paparazzi bag" so does that make him a self-confessed paparazzi? Ilan na bang paparazzi ang binugbog, sinampahan ng invasion of privacy at trespassing, at ikinulong? Idagdag pa 'yung pambabanta ng magkakapatid na Tulfo kina Raymart at Claudine. Sabagay, kilala na sila sa pambabanta at pagmumura sa TV man o radyo. Walang sinasanto. Kahit hindi naman talaga 'yung may kasalanan ang nakasagot ng telepono, ipinapahiya nila sa TV at radyo. Nang mahimasmasan ay todo naman ang paghingi nila ng paumanhin. May mga ganyan ka talagang makakasalubong. Mga dugong aso. 'Yung kumakain daw ng aso kaya ugaling aso. 'Yung kapag nakasagupa mo sa kalsada ay baka hindi lang mura at panunutok ng baril ang aabutin mo. Karamihan pa sa mga ganyan ay mga may matataas na ranggo sa militar o kamag-anak ng militar o pulis. Clinical daw ang ganyan. Binansagan pa ngang "rage syndrome." Mas malala kaya ito sa pagiging bipolar? Nasa dugo kaya ito? Nasa kiwang ng utak? Nasa kinakain? Sa init? O dahil sa malapit ang buwan sa mundo (tulad noong supermoon) kaya marami ang nabubuang (lunatic) o nag-aasal mabangis na hayop (lycanthrope)? Ang hindi nakakatawa ay mas pinagtuunan pa ng pansin ang insidente at binansagan pang "Thrilla in NAIA." Pansinin ang paliwanag sa artikulong "Headlining Trivia" (http://www.cmfr-phil.org/2012/05/07/headlining-trivia/). Kasama sa mga element/katangian ng balita ang human interest pero tsismis nga ba ang tunay na interes ng taumbayan at hindi ang mga usapin patungkol sa kanilang mga batayang pangangailangan (food, shelter, clothing)? Bakit hindi naging headline ang hinaing ng mga mamimili dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin? Bakit hindi naging headline ang marahas na demolisyon? Isa pang hindi nakakatawa ang mga bansag na "montulfo," "raymart," at "claudine." Pramis, ang layo ng mga ito sa talas ng mga bansag na Marcosian, Imeldific, Eraption, at ang pinaka-recent na Noynoying. Makapagpauso lang. At ngayon, maaawa ba tayo sa bubug-saradong mukha ni Mon Tulfo o sa galos sa hita ni Claudine? Kanino na ngayon magsusumbong ang mga Tulfo? Buti na lang pala hindi nakita nina Raymart at Claudine 'yung (babaeng) kumuha ng video ng rambol at nag-upload sa youtube. Kung hindi, baka pati siya ay nabugbog. Pero alin kaya ang totoo: Birds of the same feather flock together o Galit ang magnanakaw sa kapwa-magnanakaw?
Moral lesson: Huwag magsuot ng pink. Sa dami naman ng mga nabasa kong opinyon tungkol dito, isa sa mga pinakamaayos ang FB status ni Fred Dabu: Kayo, alin kayo dyan?
Anibersaryo last week ng umbrella organization na BAYAN (Bagong Alyansang Makabayan), May 5. Ang BAYAN (parang 'Ang Bayan' ang peg) ay ang legal na alyansa ng sectoral groups na ang oryentasyon ay pambansa-demokratiko. Pambansa dahil hangad nito ang pambansang soberanya at demokratiko dahil hangad nito ang genuine land reform, pakikibaka sa katutubong pyudalismo at para itaguyod ang demokratikong karapatan ng sambayanan. Ka-birthday
pala ng BAYAN si Karl Marx. Katuwa 'no? Parang founding anniversary
lang ng komite sentral ng Communist Party of the Philippines na
birthday din ni Mao Zedong, December 26. Pati ang birthday ni Andres Bonifacio - November 30 - ay anibersaryo rin ng Kabataang Makabayan at Anakbayan. Enwey, dahil birthday ni Karl Marx, nagtanong ang Kilusang Mayo Uno kung ano ang ating favorite Marx quote.
[Sorry, Virginia. He was not Santa Claus. Kalerks.]
Shempre nandyan na ang "Religion is the opium of the masses." Andyan na rin ang "From each according to his ability, to each according to his need." Maging ang panimula niya sa Communist Manifesto: "A specter is haunting Europe - the specter of communism." Alam kong isang poet si Karl Marx at may mga love poem pa nga siyang isinulat noon. So naghanap ako ng medyo literary ang flavor. And I found this quote:
Ganda! Pero ano kaya ang ibig sabihin?
bagong salin ng tula kong 'Sa Pagitan Natin' sa Kiniray-a ni Maam Gen Asenjo, Lapatop ni Allan Espiritu, at Akeanon ni John Barrios http://patikimnimakoy.blogspot.com/2012/05/sa-ibat-ibang-wika-7.html
|
kwaho: ang buhay ay isang sugal Isang halimaw na may apat na mata, malikot na pag-iisip at walang permanenteng tahanan Visit my Tabulas! navigate home ¤ profile ¤ gallery¤ favorites ¤ archives ¤ pages ¤ links ¤ friends ¤ friends of message board categories content pages bookmarked
credits Layout by Up4grabs Content © kwaho |
|