palubog palitaw
Posted by kwaho at 10:07 AM on August 29, 2007 in Mga Paglilimi.
Hindi ko napansin na lagpas isang buwan na pala mula nuong huli akong nag-post ahehehhe. Sa mga nakikibalita (kung meron man) heto ang update sa patuloy na paglalaro ko ng kwaho sa lansangan...
1. Nagpasemi-kalbo ulit ako. Kaya bad trip dahil halos lahat ng taong makakita sa akin, tawag sa akin ay Kuya Boy. Minsan habang nakapila ako sa Mercury may isang batang babae ang napadalawang tingin sa akin sabay tawag sa kaibigan nya at sabi "kaibigan, usap tayo!" hindi pa nasiyahan at inulit pa. Tumigil lang sya nang tingnan ko na sya ng masama. Sa tabaho naman dahil bawal magsalita sa sariling wika, gumawa talaga sila ng paraan para lang ma-alaska ako makakarinig ka tuwing break ng, "Friend, let's talk" Mabilis humaba buhok ko kaya patapos na ang sumpa.
2. Magta-tatlong buwan na ako sa call center at nasasanay na ang katawan ko ng gising sa gabi at humuhihilik sa araw (oo i found out na humihilik na ako narinig ko sa panaginip)
3. Nami-miss ko ang ex ko, bukod sa kakisigan nya at galing sa **mans* madami talagang nangyari sa amin, mga pinagsaluhan at magagandang alaala. Kung may soulmate man masasabi ko talagang sya na yun. Mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. Di Ba panget?
4. Kuntento naman ako sa current ko apat na buwan na rin kami at mukha talagang tatagal. Kulang lang talaga sa lambing di tulad ni panget. Haaay adik ako sa lambing!
5. Nami-miss ko ang pagsusulat ngunit mukhang ayaw talagang gumana ng utak ko dahil na rin sa pagod at kakaisip ng mga dapat bayaran. Bukod sa tinatamad talaga ako o kulang lang sa inspirasyon. Pero sabi ni Ricky Lee, ginagawa daw ng isip ang inspirasyon, para daw tuloy tuloy parin tayo sa pagsulat kailangang umisip lagi ng bagong inspirasyon kapag nararamdaman nating nawawala na ito. (Hindi ko na rin kaya gawin yun, hay)
6. Adik din ako ngayon sa pagbabasa. Mga kaibigan dyan pahiram naman ng mga libro. Mahal bumili ng bago.
Yan lang muna. Kung may tanong ka. Comment o tagboard lang. Salamat sa pagbabasa.