cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for July, 2007

July 12th, 2007

Palibre ako

Posted by kwaho at 11:41 AM on July 12, 2007 in Mga Paglilimi.

Halos dalawang buwan din akong walang sariling pera. Pero nakakakain sa magagandang restaurant at nakakapanuod ng mga bagong pelikula.  Isa akong malaking palibre. Masarap kung tutuusin ngunit hanggang kailan?

Buti nalang may trabaho na ako. At ngayong unang sweldo ko, ako naman ang manlilibre ahehehehe!

Sabi nga ni kuya KIm, ang buhay daw ay weder-weder lang! Ako na naman ulit. Sana tuloy-tuloy na ito.

 

Deal a Card

Poet ulit

Posted by kwaho at 11:47 AM on July 12, 2007 in Mga Paglilimi.

Kahapon naka-usap ko si Makatang Kiko.  Malayo na talaga narating nya sa mundo ng panulaan ahehehe. Am prawd op him talaga! Hinikayat nya akong sumulat muli. Hehehe sana nga.

Kaya kanina, may nakita akong murang aklat, 100 lang American poet. Magsisimula na muna ulit akong magbasa, at sana mahawaan ng inspirasyon at konting sipag magpadugo ng papel at manganak ng tula. Ayokong magtae ng tula, si Kiko na gumawa nuon.  Magpipilinggera mudra akiz muna at huhulmahin ang tula sa aking sinapupunan hanggang maaari nang iluwa.

Hehehehe! Putik ito na yata sayd epek ng puyat!

 

Deal a Card

July 21st, 2007

painom ka naman!

Posted by kwaho at 01:56 PM on July 21, 2007 in Mga Paglilimi.

Ano papainom ko ahehehehhe!

Anyway, salamat sa mga bumati. Sa mga nakaalala at sa mga hindi nakaalala.  

Nakaka-taba ng puso talaga. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. May trabaho, may lablayp, may mga eks na patuloy na naging kaibigan, may ka-makata sa PP, may mga bloggers na kakulitan (at nagtyatyagang magbasa at maki-apdeyt kahit walang saysay mga pinagsusulat ko), may Gary Granada, Bob Ong, Jun Lisondra, at Ate Wanda na mga inspirasyon ko sa mundo ng literatura, kabaklaan at ka-BUANGAN ahehehe.

Sana makasulat ulit ako haaayy. 

Painom??? Sorry pare hindi ako nainom eh. Kahit tubig ngayon di mo alam kung safe ahehehehe.

 

4 ang sumugal

July 26th, 2007

pakitaas nga ng kwelyo ko!

Posted by kwaho at 04:52 PM on July 26, 2007 in Mga Paglilimi.

May isang kaibigan ang nagsabi sa akin na kapag nakakita sya ng lalaking nakataas ang kwelyo paniguro yun, bading sya. Ayos din parang tatak ng pagkasuri ng BFAD hehehhe may ganun talaga.

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ang kwelyo na walang kamalay-malay ay pwede palang patayuin at para maging isang magandang (maganda nga ba?) epek. Hindi naman daw homosekswal lanf ang gumagawa nito, pati daw ubersekswal, metrosekswal at kung anu-ano pang maisip nilang label para maiwasan ang masyado nang talamak at mababang pagtingin sa salitang BAKLA.

May mga naiinis kapag may nakikitang ganito ang ayos, kita ko nga kanina sa shoutbox sa friendster sabi "people with COLLAR UP SHIRTS.. DIE DIE DEI.. ang papanget nio.. bwahahahaha.. LOLZ>...".  Mukhang galit na galit isang ito. Marahil mahirap walang pambili ng damit na may kwelyo... joke hehehehe! 

Ako man ilang ulit kong sinubukang patayuin ang kwelyo ko, pero ayaw eh, hinimas ko na ayaw pa rin. Nasobrahan siguro sa downy kaya talagang sobrang lambot at tayp nitong mamahinga sa tabi ng leeg ko. Ganuon naman talaga dapat... yata!

anyway, kanya- kanyang trip lang yan. Sa hinaharap marami pang mauusong patataasin o patatayuin.... *grin*

 

 

Deal a Card