Pag-asam
Posted by kwaho at 01:09 PM on June 1, 2007 in Mga Paglilimi.
May nais akong gawin.
Nais kong maglaho, mawala o magpakalayu-layo.
Dahil siguro sa dalawang bagay;
una, nais kong maintindihan at maunawaan lalo ang salitang "pag-iisa". Naisip ko, kung nasa ibang lugar ako, malayo at walang nakaka-alam, at walang nakakakilala, mas lalo kong maiintindihan ang pag-iisa. Mas lalo kong matatanggap na nag-iisa ako. Hindi ko na kailangang umasa na may pamilya ako o kabiyak. Hindi ko na kailangang maghanap ng lambing sapagkat sa lugar na walang nakakakilala sa akin, matatanggap at maiintindihan kong walang maglalambing sa lugar na iyon. Samakatuwid, ang kalungkutang dala ng pag-iisa ay hindi kasing lalim tulad ng pananatili ko dito sa Maynila. Dito malapit sa mga taong minamahal ko, ngunit tila nabulag na at hindi na makita o maramdamang nandito ako.
ikalawa, nais kong maramdaman ang halaga ko. Umaasam ako na may hahanap sa akin. May makaka-miss sa akin at muli akong kailanganin. Kung minsan pala dumadating sa isang punto sa buhay ng tao na hindi na pagmamahal ang hinahanap nya kundi halaga ng buhay nya. Self-worth. Nais kong muling maramdamang may malaking halaga o kwenta sa buhay ng mga minamahal ko hindi lamang dahil may pera ako, o may naibibigay ako upang lumigaya sila.
kaya nais kong lumayo, mawala.
pero paano kung tuluyan na nila akong makalimutan?
isang sugal talaga ang buhay!
Pagbabawas
Posted by kwaho at 12:46 PM on June 8, 2007 in Mga Paglilimi.
bagong gupit ako
nagbawas ng buhok, pero hindi ng problema. pero sana ganun na lang ang buhay, yung pwedeng gupitin at bawasn ang mga bumabahala sa yo. Yung pwede mong itapon o itago muna sa isang tabi.
madami akong inaplayan. sana hwag matapos ang buwan na wala pa rin akong trabaho. Nagka-ayos na kami ng mama ko. kahit papano, tulad ng ulo ko, gumaan ang loob ko.
kaya ngayon mas pursigido akong maghanap ng bagong trabaho.
lablyf? saka ko na lang ikukwento.
Patingin nga, HINDI NAMAN!
Posted by kwaho at 11:12 PM on June 28, 2007 in Mga Paglilimi.
Dapat magkaroon na ako ng listahan o kaya isang POLL tungkol sa kung sinong mga sikat ang kamukha ko. Kaya kung nababasa mo ito at kilala mo ko, mag-comment ka kung sino nga talaga kamukha ko. Walang gaguhan ha.
Sa mga nakilala ko ito ang madalas nilang sabihin na kamukha ko daw (sabi nila, hindi sa akin galing ito kaya hindi po ako nagyayabang) 
1. Anthony Taberna(s) - ng Umagang Kay Ganda ng dos
2. Rico Barrera- ng PBB season 1
3. John Nite (tama ba ispeling) ang protege ni Kuya Germs
4. Mark Bautista - hindi ko rin alam kung bakit
5. Boy Abunda - lalo na nung kalbo ako at may salamin
6. Roderick Paulate - hindi ko alam kung pang asar lang ito pero peborit kong umarte to
7. Erik Santos - hindi ko rin alam hindi naman ako in-denial sa sexuality ko hehehehe at pinag-uusapan dito ay yung kamukha ko
Kung may naiisip ka pang kamukha ko na wala dito pakisabi sa akin. Basta't walang gaguhan ha. Hehehehehe