cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for March, 2007

March 8th, 2007

Katapusan ng isang yugto

Posted by kwaho at 08:17 PM on March 8, 2007 in Mga Paglilimi.

Bago matapos ang Pebrero nagtungo dito ang aking Thai boss upang sabihing tinatapos na nila ang kontrata ko na nuong una ay pang-anim na buwan lamang tumagal ako sa Thermaflex ng eksaktong dalawang taon. At gaya ng lahat ng uri ng pamama-alam at pghihiwalay o pagkawala, kahit pa pinaghandaan mo na ito ay hindi maiiwasan ang lungkot at ang pagluha ay parang isang ritwal. Kasabay nuon ang madaming pagbabago, kinailangang isauli ang laptop ko na kahit bugbog at pagal na dahil sa kakagamit at kakalagay ko sa backpack ko at sa mga letrang nakalbo sa pagkalmot ni mingay sa kanya, isang malaking kawalan ito para sa akin. Ang mga tulang inipon ko sa laptop ay inilipat ko sa cds kahit natatakot ako na macorrupt ang cd bahala na si batman. Lahat ng larawan, documents at mga hindi pa natatapos na akda ay inilipat ko ng sisidlan. Isang buong magdamag habang tahimik at sa loob ko lamang ang pagluha.

Bago ako naging bahagi ng Thermaflex, ang paglipad sa ibang bansa ay isang malabong pangarap. Ni hindi ko pinangarap lumipad. Ni hindi ko pilano na mangibang bayan, kahit ilang ulit akong kulitin ng aking ina upang mag-hosto sa Japan. Pero nagbago talaga ang buhay ko nuong tanggapin ko ang trabaho sa Thailand.Madami akong mamimiss at hindi ko iyon naibahagi gaya ng ipinagako ko sa tabulas ko dalawang taon na ang nakakaraan. (Oo nga pala dalawang taon na rin ang Tabulas ko)

1, Mamimiss ko ang Subway, ang pagsakay ko mula sa Lumpinee station hanngang sa Asok Station. Upang pumasok sa Sales office namin.

2. Ang motorcycle taxi na sinakyan ko upang maglibot sa Bangkok sa unang araw na pagpunta ko dito, Enero a-ocho iyon.

3. Chatuchak market. Ang mga t-shirts at spicy tamarind na paboritong ihabilin bilang pasalubong.

4. Elepante sa Sukkhumwit.

5. Ang bus ride mula sa Ekkamai hanngang Pattaya.

6. Ang mga Pilipinong manggagawang naging kaibigan ko sa condong tinirhan ko sa Banglamung. Tuwing Sabado nagtitipon tipon kami upang kumain ng pansit. Pahinga muna sa maaanghang na pagkain ng mga Thai.

7. Ang night Bazzar sa Lumpinee.

8. Ang paglalakad sa dalampasigan ng Pattaya. Ang burol na may magandang view ng buong Pattaya, habang kasama ko si Arthur.

9. Ang paggi-gym twing Sabado sa North Pattaya.

10. Ang mga kasamahan kong mga Thai, si Khun Ekawit, Khun Pom, Khun O, Khun Tom, Khun Prajak, Khun Tip, Khun Chotana.

11. Ang pag-aalay ng almusal sa mga monks tuwing umaga. Tapos dadasalan ka nila.

- may kasunod -

2 ang sumugal

March 27th, 2007

Haiku Mode ako

Posted by kwaho at 05:35 PM on March 27, 2007 in Mga Tula Ko.

Ilang mga Haikung naisulat ko nuong nakaraang linggo.

Paglisan

sinabi mo no'n
naglalambing ang langit
habang naambon

Langgam

inililipad
sa lilim ng lilly
limang-libong lipi

Eleksyon

i
dahong nawatas
flyers, boto at pera
ngayong taglagas

ii
sa may gapasan,
tinutuka ng manok,
bobotong palay.


a journey from a smile to a frown

curving down upward
like a rollercoster ride
curving up downward

4 ang sumugal