cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for January, 2007

January 17th, 2007

Panibagong Yugto

Posted by kwaho at 04:03 AM on January 17, 2007 in Mga Paglilimi.

Dear Ruel, 

Ilang ulit na ba kaming nagpaalam? Nagkabalikan, naghiwalay at nagkabalikang muli. Ilang ulit na bang sinabing gago at tanga ako dahil sa mahabang listahan ng mga kasalanan ko.

Bago mag-Pasko tinuldukan ko na. Ngunit hindi sang-ayon lagi ang damdamin. Andirito parin sya ngunit kailangang utak naman ang pairalin. Matapos nun, malaya na syang nagpalipat-lipat sa lambing ng iba. Masakit para sa akin ngunit ganun talaga. Kahit naman nuong kami pa, ganun na sya. Kaya hinayaan na lamang.

Nakaka-aliw lang dahil matapos mong magsara ng isang kabanata. Marami naman ang biglang nagsulputan upang maging bahagi ng buhay mo. Ngunit tulad ng dati kung hindi panandalian lamang ay may mga sabit din.

Tulad na lamang ni F. Isang malaking kasinungalingang sabihing malaya pa sya, gayung walong taon na sila ng katipan nya. At nagsasama pa sila sa iisang bubong. Tsk tsk tsk. Nais na naman akong gawing kabit.

At si C. Matamis na pananalita, magarbong kinabukasan. Mga planong halos sa panaginip lang nagaganap. (At talagang nanatiling panaginip lamang sya) Dahil sa bilis ng pagkahumaling nya sa akin, ganun din sya kabilis nahumaling sa iba. At sabi nya, "I'm weak, i need someone with me" sya rin ang sumuko sa long distance relationship na nuong una'y pinagdudahan ko, ngunit kung kelan ako bumigay at isinuko katapatan ko sa kanya, tsaka nya ako nilaglag.

Sa uri ng trabaho ko, natututo na ako na ang mga malalagkit na tingin, mga misteryosong pagngiti at mga maririin na "shake hands" ay hindi nangangako ng isang masayang kinabukasan kasama ng taong iyon.

At ngayon heto na naman si R, isang ama at ang ina ng anak nya, kahit hindi sila kasal at alam ang pagkatao nya ay nananatiling kasa-kasama nya sa bahay. Papatiaanod ba ako sa isa na namang komplikadong relasyon?

Sa ngayon single na naman ako. Hindi naghahanap pero halos araw-araw tinutukso ng tadhanasa bawat taong nakikilala, laging nagdududa kung ano ang tunay nilang intensyon. Nakakapagod na ang magmahal, pero hindi nadadala ang puso.Walang isip ang puso. Wala.

Nagmamahal,

Sary L. Imo

Deal a Card