Time will reveal
Posted by kwaho at 06:51 PM on November 14, 2006 in Mga Paglilimi.

| cerebral palsy |
Posted by kwaho at 10:30 AM on November 17, 2006 in Mga Paglilimi.
hopefuly i will be in Cebu at the end of the month
yun lang. ..
Posted by kwaho at 02:43 PM on November 22, 2006 in Mga Paglilimi.
Kung minsan akala ko wala na akong kaibigan. Pero kung tutuusin, hindi lamang ako nagpaparamdam sa kanila. O kaya, pare parehong abala sa mga kani-kanilang trabaho. Dami ko talagang nami-miss na mga tao. may bumabalik at mayroong tuluyang naglaho na at nakasamaan ng loob.
Miss ko na ang Pinoypoets. Ang mga ka-LIRA. Ang mga kaibigan ko sa PCNI at Pilipino Cable (naisip ko dami nang free movie ticets ang hindi ko nahingi ahehehehhe) Mga ka-tropa ko sa Malebucks, nakakamiss ang mga out-of-town namin nuon.
Hindi ko pwedeng isisi sa isang tao kung bakit tila lalo ako nawala sa sirkulasyon o nawalan ako tuluyan ng social life. Ako ang nagdesisyon nito at kahit mukhang sa kanya na lamang talaga umikot ang mundo ko minsan naisip ko gusto kong lumaya. Gusto kong ibalik ang dating ako. Pero iba kasi idinidikta ng damdamin.
Nuon isang araw naantig ako sa mensahe ni Claire through Pol (kasi nagcha chat sila sa gmail). Salamat Claire, i miss you my unofficial girlfriend ahehehhe. Condolence din kay Emong at Happy Birthday kay Jheric.
Haaay buhay!
Posted by kwaho at 03:48 AM on November 24, 2006 in Mga Paglilimi.
Kanina pinaliguan ko ang pusa ko na binigay sa akin ni E. Hehehehe pag-uwi ko sinalubong ako nito ng lambing, ang sarap na nyang hawakan at i-kiss ahehehehe.
Kaya lang bigla kaming nagtaka ni E, mukha yatang namamaga ang behind ni Mingay, for all we know babae si Mingay. Kaya lang mukhang yung namamagang parte sa likod nya ay mga BALLS nya, hala hindi kaya ito si Mingay namin?
Pinilit naming imbestigahan ang kilos ni Mingay, hmmm kung hindi sya si Mingay hindi sya pupupu sa litter box nya. Kasi yung ibang pusa sa labas hindi sanay sa ganun at hindi nila nakagawiang umuwi sa bahay namin kapag lumabas sila. Si Mingay lang ang may kayang magbukas ng pinto kasi bahay nya nga ito. Hindi rin nagbabago ang paraan ng paglalambing nya. Hmmm, binilang ko pa nga ang mga kulay kahel na batik sa likod nya, pati pag meeoow nya. Siyang siya pa rin. Si Mingay nga.
Pero bakit nagkaganun? Pinalabas ko lamang sya ng 2 linggo at hinayaang matulog sa labas ng bahay. Pero alam mo ang pusa kahit palayasin mo hindi ka iiwanan nyan. At yun nga i decided na patulugin ulit dito sa loob ng bahay. At pinaliguan, next week bibili ulit ako ng pagkain nya para hindi maglagas ang balahibo.
Pero bakit nagkaganun? Nagpa-SEX CHANGE yata ang pusa ko? O dili kaya CLOSET QUEEN sya. Nyahehehhe. O baka naman na-CLONE sa labas. Hala nabuwang na ako sa kakaisip hehehehehe.
Posted by kwaho at 12:00 PM on November 27, 2006 in Mga Paglilimi.
Pero mukhang meron... may himala kasi
naglalaba ako ngayon bwaahhahahaha!!!
Posted by kwaho at 07:22 AM on November 29, 2006 in Mga Paglilimi.
Pinanuod namin ni Panget last week ang Happy Feet astig ng soundtrack nito, mapapasayaw ka talaga ehehehe. Ayos din sa story, feel good comedy daw ito sabi ng ilang kritiko, may konting sexual at ethnic stereotypes at mukhang pinuwersang environmental message sa ending nito. Pero kung music lover ka, mage-enjoy ka sa pelikulang ito. Iwasan lamang ang tumayo sa sinehan upang yumugyog. Tinatamad na ako magkwento panuorin nyo na lang (o siguro napanuod nyo na)
Sa TV naman napansin namin kung bakit Kapamilya kami ngayon at hindi Kapuso. Kasi naman sa syete sila-sila na lang ang nagsisiganap. Wala nang variety, kakasawa na, lalo na ang mga fantaserye nila na halos gasgas na ang set design at costume, kahit nag-iba ng tema at pangalan, ang mga artista at mga kasuotan ganun parin. Ang lamang ng dos, magaling mag manage ng talent hehehe. Hindi mo pagsasawaan dahil sa bukod sa andaming talent. Bawat artista may sariling tatak, hindi ka malilito. Si Juday, Krystalla. Si Claudine, Marina. Sa kabila, ilang roles na ba ang nagawa ng magandang si Angel Locsin. Walang pahinga, kung magpahinga man may peligro na makalimutan unless lumipat sya sa dos. hehehehe. Naalala nyo pa ba si Tanya Garcia?
Langya shubis na shubis ako ah ahehehehe. Hindi ako mahilig sa soap
opera, hindi ko rin nakasanayan ang tumututok o sumusubaybay pero may isang patok sa dos ngayon. Yung Maging Sino Ka Man. Galing ng mga artista, at ang galing ng istorya, creative consultant si Ricky Lee kaya astig ng mga dialogue at ng mga eksena. Thumbs up ako sa akting ni John Lloyd at Bea. Hehehehe. Ngayon lang ako naantig sa isang soap. O siguro ngayon lang din ako nagka-panahon manuod ng TV hehehe. Basta kaiba ang isang ito.