cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for October, 2006

October 10th, 2006

Usapang bata

Posted by kwaho at 06:39 PM on October 10, 2006 in Mga Paglilimi.

JM: Pa ano favorite song ni Dada?

Papa: Ano?

JM: Bongga Ka Day!

 

Deal a Card

October 14th, 2006

Isang tula ng pamamaalam

Posted by kwaho at 05:12 AM on October 14, 2006 in Mga Tula Ko.

Paumanhin
  Para Kay Eugene

Patawad mahal,
'di ko kailanman
maiguguhit
ang isang bilog,
tugma sa dal'wang
paraang lagi
mong 'tinuturo.

Sa isang kumpas
ng aking lapis
mula sa taas,
kurbang pababa
hanggang paakyat
upang magtagpo,
simula't wakas.

O sa hiwalay
na paglalapat
ng dal'wang pisngi
mula sa taas
kurbang pababa
balik sa taas
kurbang pababa
upang magtagpo
ang dal'wang wakas.

Anu't-ano man,
Hindi magiging
perpektong bilog
ang aking gawa.
ang tangi lamang
niyang katulad,

ang walang hanggang
pagwawasto mo
ng mga bagay
na hindi natin
kapwa kaylanman
matatanto pa.

2 ang sumugal

October 15th, 2006

Pag-iingat

Posted by kwaho at 07:50 AM on October 15, 2006 in Mga Paglilimi.

Kailangan kong mag-ingat sa mga pinopost ko dito sa Tabulas, dahil bukas ito sa iba't-ibang klaseng interpretasyon ng mga mambabasa, at sa ayaw ko man o sa hindi, nahuhusgahan ka mula sa mga interpretasyong iyon.

Hmmm. Malungkot isipin kung tutuusin na ang isang simple, payak at walang ibang intensyon kundi maghayag lamang ng saluobin ay lumalabas na "hard selling" ng sarili. Na para bagang desperado na na makahanap ng makakapareha. Mukha nga namang nakakatawa.

Minsan sa bugso ng damdamin nakakalimutan ko na hindi pribado ang journal na ito. Kaya't may mga entries na talaga nga namang pribado na upang ilathala pa.

Ngunit ang nakakalungkot yung mismong mga kaibigan mo (o akala mong kaibigan) ang may mga sariling pagkakaunawa sa kanilang nabasa sa aking blog. At lalong nakakalungkot dahil hindi man lamang sila nagbigay ng komento o kahit man lamang isang simpleng text ng kanilang saluobin sa nabasa nila. Wala lang nakakalungkot lang.

O kaya minsan ang isang simpleng paghahangad ng pakikipagkaibigan ay nababahiran ng malisya. Ang pag iiwan ng cellphone number at kung anu-ano pa. Siguro masyado lang akong "easy" sa paningin ng iba (o ng karamihan ) sa tingin ko naman masyado lamang akong nagtiwala na lahat ng makakabasa, makakaunawa... isang malaking pagkakamali.

Anu't-ano pa man, may natutuhan ako.

Deal a Card

October 17th, 2006

Buti Pa Pusa Malambing

Posted by kwaho at 04:53 PM on October 17, 2006 in Mga Paglilimi.

Pero magastos din

Litter box: 450 Sand (para sa litter box): 370 Catfood:270 Ball (Laruan): 45 Collar: 88 Shampoo: 200

Deal a Card

October 19th, 2006

muli

Posted by kwaho at 09:32 PM on October 19, 2006 in Mga Paglilimi.

malungkot ang mga nakaraang araw at sa mga susunod pa. papatunayan ko sa kanya na hindi ako tulad ng iniisip nya.

sa kabilang banda, muli akong nagpaparamdam sa mga dating kaibigan at gumagawa ng mga bagong kaibigan. yun nga lang mahirap din pala.

kailangang kalimutan ang mga bagay na nakasanayan mo na. kailangang maging matatag. kailangang maging bingi sa mga sinasabi ng iba, lalung-lalo na sa tingin nila sa iyo.

isa na namang yugto ang  natapos. nagsisimula ng panibago. ngunit sa pagkakataong ito mukhang hindi na ako sing saya at tila wala na ring pag-asa akong nakikita.

tinatamad na ako. pero sabi ni Rhodge....

malay mo.

 

Deal a Card

October 20th, 2006

ist0ker m0de

Posted by kwaho at 08:57 AM on October 20, 2006 in Mga Paglilimi.

mga halos 2 buwan na rin akong nagbabasa ng Tabulas nya.

mga halos 2 buwan na ring tahimik akong nagmamasid ng bawat isulat nya.

mga halos 2 buwan na rin akong naaaliw sa mga entries nya sa kanyang blog.

mga halos 2 buwan na rin akong nakatitig sa larawan nya.

isa s'yang suntok sa buwan.

isang pangarap.

isa s'yang magandang lugar na nakikita ko lamang sa isang postcard, parang isang dayuhang lupain na kahit sa panaginip ay hindi ko kailanman mararating. 

 

2 ang sumugal

October 23rd, 2006

Sugatang paa

Posted by kwaho at 05:16 PM on October 23, 2006 in Mga Paglilimi.

kahit na ilang tinik ay kaya kong apakan... awww drama!!!!

 

Deal a Card

October 26th, 2006

bagng bilang ng selpon ko

Posted by kwaho at 03:29 AM on October 26, 2006 in Mga Paglilimi.

0y!s - nga - lalo

(siguro naman madali lang ma break ang code na to, sana i-txt nya ako pag nakabili s'ya ng panibagong phone)

Deal a Card