Tag-tuyot
Posted by kwaho at 08:34 PM on September 20, 2006 in Mga Paglilimi.
Sabi sa news malapit na daw mag El-Nino (walang enye sa laptop na to bwiset) Pero parang mas nauna ako sa pagiging tigang at mukhang wala na akong naisulat na matino-tino, pati BLOG ko hindi ko na na update, isang buwan akong nawala. Bukod sa wala na talaga ako sa sirkulasyon ng Pinoypoets.
Ano bang balita sa akin? Hmmm binalikan ko ang isang katangahan. Masaya kasi ako, pero bumalik din halos lahat ng galit at lungkot. Oh well, at least i have them both! Grrr.... Ganyan ako kabaliw!
Sino ba naman kasing hindi maniniwala sa mga linyang ganito...
" sa iyo ako nadapa, sa iyo rin ako babangon!"
kahit na sa mga kaibigan nya ganito linya nya...
" pare, pinagpalit ko pamilya ko para sa kanya tapos nawala rin sya sa akin"
at ganito ang sabi ng mga kaibigan nya...
"kawawa ka naman pare, gago namang bakla yun... kasalanan nya lahat kung bakit ka nagkaganyan!"
pero sa kabila ng lahat binalikan ko sya...
sabi ni Manong Gary...
"magbabago nga kaya ang puso / na sanay na sa pagkabigo / magbabago nga kaya ang puso na dumanas ng ng pagsuyo"
at nariyan ang walang habas na masasakit na salita galing sa aking Ina na sa loob ng anim na buwan namin na muling magkasama ay hindi pala kayang mabuhay ng walang pera sa kamay.
sabi nya...
"buti pa lalaki mo binibigyan mo ng pera"
"mas mahal mo pa lalaki mo kesa sa akin"
"handa na almusal mo, inutang ko lang yan"
"tinitipid mo naman ako anak"
Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa inyo kung bakit ako tag-tuyot ngayon? Kung bakit mukhang walang buhay ang buhay ko? At mukhang natatalo na naman ako sa sugal?
Nga pala may kudeta sa Thailand. Gudlak kung pasuswelduhin ako ng mga Thai boss ko! Kung hindi magpapatuloy ang mga magagandang salita mula sa aking mabuting Ina.
Currently feeling: frustrated