happy birthday to me
Posted by kwaho at 01:12 AM on August 2, 2006 in Mga Paglilimi.
August na wala pa rin akong entry nung bday ko ahehehe, tinatamad na naman ako, kasi mas inuuna ko puso, ang gago ko talaga. Well here are some pix sa bday naming tatlo.



Currently feeling: satisfied
bakit ayoko sa Starbucks
Posted by kwaho at 01:24 PM on August 3, 2006 in Mga Paglilimi.
Currently feeling: sad
Sa Airport
Posted by kwaho at 02:25 AM on August 10, 2006 in Mga Tula Ko.
Sa Airport
Edwin Padillo
Nakatanghod sa malamig na harang
na naghihiwalay sa mga dumarating
at nag-aabang, ang batang may siyam
na taong nawalan ng malalambingan.
Habang sa di kalayuan, mabagal
na lumalapit ang inang nakahimlay
sa sisidlang naghihiwalay sa mga
humihinga at walang malay.
Ngayong araw na ito, may lilipad
na ibang ina patungo sa mga nagsilid
sa kanyang ina sa sisidlang iyon
upang ang kanilang anak
ay may malambingang muli.
La Piel
Posted by kwaho at 03:32 PM on August 15, 2006 in Mga Paglilimi.
Kung may oras kayo, please try to visit Marlon Despues' 700 Nudes exhibit. This is an art collaboration project sponsored by the Instituto Cervantes (855 Kalaw Street, Manila) hanggang Aug. 30 pa 'to.
Do find my pics taken last year....
[Fil-American photographer Marlon Después has been trying to capture people's souls by portraying their skin. Marlon Después was born in the Philippines with Ilongo and Ivatan heritage. He is a graduate of the University of California at Berkeley where he studied architecture, science, poetry, and where he was classically trained in photography almost thirty years ago. Collecting images for this exhibit began in 2005 with the gracious support from a host of volunteers -- including doctors, directors, teachers, politicians, tricycle drivers, models, artists, diplomats -- many coming from Spain, the United States, Australia, Germany, France, the United Kingdom, Egypt, Korea, China, India, Japan but mostly from the Republic of the Philippines. For more details, please call Instituto Cervantes at 526-1282 or email: cenmni@cervantes.es]
!--ENTRY['METADATA']::START-->
Ang Una Kong Kadayawan
Posted by kwaho at 12:57 PM on August 20, 2006 in Mga Paglilimi.
Busy ako lately dahil inasikaso ko ang Product Presentation sa isang convention ng mga engineers sa Davao, hindi ko alam kaya pala ang mahal ng airfare at hirap ako sa pagbu-book ng hotel ay dahil Kadayawan pala, ahehehhe.
Eto ako work mode ahehehe... (disregard the date kasi di ko alam kung paano ise-set ang timer ng digicam na hiniram ko ahehehe)
Sabi ng mama ko Kasiyahan daw ang ibig sabihin ng Kadayawan, tunay nga namang kasiyahan ang festival na ito dahil sa loob ng isang linggo ang daming happenings sa Davao.

Thumbs up nga pala ako sa mayor ng Davao, dahil sa airport palang hindi tulad sa NAIA, bawal ang taxi na kumukontrata ng pasada. De-metro talaga at hindi kasing mahal ng singil. Sa NAIA bawal ang mga taxi kumuha ng pasahero, pahirapan at wala kang choice kundi kumuha ng airport taxi na sobrang mahal.
Salamat din kay Lear na kaibigan ko sa Fab.com at natulungan nya ako by letting me stay in his room for 2 nights dahil nga wala na akong hotel or inn na matutuluyan dahil fully booked lahat. Haaay mababait talaga ang mga Davaoeno.
3 araw sa Davao,
ahehehehe at pinangako ko na babalik ako ulit dito. Sabi nga ni Lear, tinawag daw na Land of Promise ang
Durian Republic na to dahil lahat daw nang napunta dito ay nangakong babalik. Ahehehe. Kasi naman sarap balikan ng Durian Shake nila ahehehehe
Pendong May Kalbo
Posted by kwaho at 09:54 AM on August 22, 2006 in Mga Paglilimi.
Mahirap mag-let go, pero sa lahat ng pagkakataon dapat matapang ka, marami pang pagkakataon para sayo! Kasi tutubo parin ang buhok mo, pati ang pag-asa na liligaya ka rin sa wakas!
Puteeeeek, nagpakalbo lang ako, masyado ko nang dinibdib!! Nyahahahaha!!!
