cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for May, 2006

May 8th, 2006

Sino gustong manligaw?

Posted by kwaho at 11:13 AM on May 8, 2006 in Mga Paglilimi.

Matagal na naman akong nanahimik dito sa blog ko. Ano na bang mga nangyari sa akin? (As if very important buman being ako sa buhay mo ahehehhe)  Hmmm...

- Patuloy ang paga-adjust ko sa pagtira ni Aling Josie kasama ko. Para kaming aso't-pusa ahehehehe.

- Naaaliw kahit papano sa mga nakapilang lalaking nais maging bahagi ng buhay ko. Yes, Maniwala ka't hindi may mga nanliligaw sa akin ahehehehe. May nagbigay na ng mangga, longganisa at tuyo. Ahehehehe Akyat ligaw discreet style.

Pero sabi nga nila kung sinong ayaw mo lapit ng lapit sayo, kung sinong gusto mo mukhang premyo sa lotto ahehehehe. MAILAP!

- Nag-umpisang magtraining sa isang call center pero hindi rin kinaya ng katawan ko kahit na kumpleto ko na pre-employment medical requirements ko. Hintay daw ako hanggang May 29. Haaay.

- Syempre tuloy ko na muna work ko sa Thermaflex. Darating ang boss ko ngayon. Kailangang magpa-impress.

- Nalipat na ang araw ng gig kos a Insytes. Mula sa patay na araw ng LUNES, inilipat kami ni RED sa Sabado. Kaya medyo masaya na rin ako dahil kahit papano lalaki ng kaunti ang kita. Yun ay kung madami kaming hatak. Kaya nananawagan ako sa mga babasa nito. Kung nais nyong kumanta at malapit kayo sa Robinson's Place Ermita, daan naman kayo sa Insytes ahehehehe.

At dahil Sabado gig ito kailangang magpagawa ng promo tarp. Heto po.

 

7 ang sumugal

May 10th, 2006

Kailangan kong matutong mag-golf!

Posted by kwaho at 01:48 AM on May 10, 2006 in Mga Paglilimi.


Nasa bansa ngayon ang bago kong boss. Isa syang Thai na kasabay kong pumasok sa kumpanya. Sa una hindi ko talaga s'ya gusto, pero nagbago yun sa kanyang pagpunta dito sa unang pagkakataon.

Hindi s'ya maarte at hindi nya ako kinagalitan sa mabagal na pag-usad ng mga ginagawa ko.

Ngayong araw na ito. Apat na kliyente ang pinuntahan namin. At mukha namang maganda ang naging resulta nito. Nakasalalay na naman sa akin ang pagpafollow-up sa kanila, ibigay ang iba pa nilang kailangan at sa huli umorder sila ng mga gamit sa amin.

Hindi rin maiiwasang makatagpo ka ng mga taong sobrang bilib sa sarili. Kesyo engineer sila at ako hindi, kesyo matanda at gurang na sila at duon na sila inugat sa industriyang pilit kong pinapasukan kaya ayaw nilang makinig sa akin. Tiyaga lamang talaga. Hayaan mo silang dumada, pag tapos nila ikaw naman ang humirit.

Kaaliw lang itong huling kliyente (nakakaka-asar din kung tutuusin) naikwento nyang mahilig syang maglaro ng golf. Eh itong bossing ko into golf din, kaya halos 2/3 ng oras nauwi sa usapin at kwentuhan tungkol sa pag-go-golf. Tulad ng mga mayayamang entrepreneur, sa gold course din daw nasasara ang mga deal. Haaay sa totoo lang natuto akong mag golf pagkatapos ng meeting na ito. Alam ko na difference ng par 1 sa par 5. O anong klaseng club ang gagamitin sa bawat terrain. ahehehehe.

Iba't-ibang tao sila. Boss ko, mga kliyente ko. Maraming tao kung tutuusin iba't-ibang katangian at mga yabang sa katawan (wag monang isama ang libog) pero sa katapusan ng araw pag pinagnilayan mo matatanto mong, andami mo palang natutuhan sa kanila.

Kung sabagay tama nga naman sila. Papunta ka palang pabalik na sila. Pero hindi nangangahulugang naihulog nila ang mga bola sa loob ng mga itinakdang Par, hindi nangangahulugang matanda sila, mas may alam at bihasa sa paggo-golf. Maaaring tama majondaers na sila, maraming alam pero pagiging bihasa sa laro ng golf? Sa pagpalo't pagulos ng bola sa green? hmmmm minsan kasama ng katandaan ang kalabuan ng paningin. Hindi lang nila alam, mas bihasa ka pang mag golf palayo sa damuhan.

Deal a Card

May 20th, 2006

Insytes, Ligawan, at Bagong minamahal

Posted by kwaho at 10:53 PM on May 20, 2006 in Mga Paglilimi.

Kakauwi ko lang galing sa huling Saturday gig ko sa Insytes. Dapat sa 27 pa pero nakaleave ako para sa Bataan trip na pinlano ni Chan.

Pero ang maganda, nagustuhan kami ng organizer ng isang show sa Biyernes kaya kinausap kami upang mag front-act cum host na rin. Hindi naman for money ito. For experience na rin.

---------

Nakaka-aliw ang buhay single, dahil nakakataas din ng confidence level. Matapos ang rollercoaster ride ko with a married guy. Akala ko magwo-work out ang isang relationship na mula't sapul ay rebound lamang. Mas maiging maging matalik kaming magkaibigan upang magtagal kami. Napatunayan ko yun at  mas lalong lumalim ang aming relasyon ni John ngayong pareho na kaming malaya. Pero syempre hindi namin pinababayaan ang isa't-isa.

marami rin akong natutuhan kay John. May nadagdag na mga kaibigan at mga alaalang talaga namang ubod ng saya. Diba teng?

---------

Una akong nakaranas ng ligaw (ahehehe uso rin sa tulad namin ang ligawan, asan ka pa?) nuong 2nd year high school ako. Ngayon ko lang na realize na nanliligaw pala ang mokong kala ko nuon barkada lang at trip lang nyang magdadala ng kung anu-ano sa bahay with matching dalaw and sleep over. Iyon pala type nya ako. Ahehehe.

Sabi nila pag may umaalis may dumadating. Napatunayan ko ito at nahirapan ako kung paano sila iha-handle. Sige isa-isahin natin.

Rudy: nakilala ko sya sa isang tambayan ng mga tulad nating PLUs. nacute-an ako sa ganda ng katawan ng isang ito. Nakipagkilala ako at nauwi sa pagkain namin sa Chowking ng alas3 ng madaling araw. May girlfriend ngunit gusto pa yatang pagsabayin na magka-bf din. Matyaga sya. Hinog at hilaw na mangga at longganisa ang binigay nya sa akin. Ay oo nga pala pati tong boxer shorts na suot ko ngayon ahehehe. Status: friends na lang kami

Emannuel: eto isang to angdaming pangalan Eman, Noel, Wence ay sus, baka nga naging stalker ko ito sa chatroom. Impresive sana dahil law student sya. Pero pumoporma palang possesive at sensitive na. Sumbatan ba naman akong unfair daw ako. Sagot ko naman talagang magiging unfair ako dahil friend lamang tingin ko sa kanya. Hayun 2 weeks nang hindi nagpapramdam. Status: isa na syang alamat.

Joey: Napakamemorable ng pagkakakilala ko sa isang to. Sa Malate, 2nd gimik namin nina John at Young. Nabighani ako sa ganda ng ngiti ng isang ito at akala ko sya na nga ang the one na kahit taga LAs Pinas go ako para lang makita ko at makasama. kaya nga lamang mahirap ang puro bigay at walang kabig. Ok na sana kung ganuon lamang madami kaming pinagtatalunan at mukhang ang daming kinatatakutan ng isang ito kaya hindi rin makuhang gawin ang gusto. Status: goodbye na talaga dahil gusto nya i eskedyul ko pa kung kailan namin mami miss ang isa't-isa.

Antonio: Ito namang isang ito sa chat ko rin nakilala. May asawa't anak. Napakamalihim, at workaholic daw. Tuyo at windbreaker naman ang ibinigay sa akin. Dalawang beses kaming nag-away kaya sumuko rin ako. Akala ko maiintindihan ko sya pero habang tumatagal lalong dumadami ang mga tanong na ayaw naman nyang ikuwento o sabihin man lang. Ayokong magmukhang tanga o bobo kahit may mga katotohanang nakabalandra na sa harapan ko. Hmmm. Masyado daw akong matalino para sa kanya. Hindi ko malaman kung mahal nya ako o hindi. Naghihintay ba ako sa wala? Status: sumuko nga ako kaya siguro goodbye na rin sa kanya. Plus, may asawa't anak din sya. Hindi pa ba ako nadala?

Romy: nakilala ko sya sa Aruba bar. Isang Jed Madela fan. Kami pa nuon ni Yugin. At mula pa nuon itinuring ko syang isang kaibigan. Niton ghuli nagt txt na sya ng tunay nyang nararamdamn at alam din naman nya ang isasagot ko. Nadadama ko nararamdaman nya. Ang magmahal sa isang taong hindi ka kayang mahalin. Status: Kaibigan ko siya for life

-------- 

Haaaaayyy. Buhay. Isa nanga sugal. ISa pang malaking bilog. Isang laro ng patintero na lahat luhaan. Pero sa kanilang lahat sa kanya ako natalisod, napahinto, napa-isip, napamahal, sya na kaya ang the ONE? ang masasabi ko lang nagsisimula na kaming gumawa ng kasaysayan naks.

Guys meet CHAN!

---

 

 

2 ang sumugal