cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for April, 2006

April 13th, 2006

DA GALERA GETAWAY

Posted by kwaho at 02:49 AM on April 13, 2006 in Mga Paglilimi.

Hmmm.... Mahal na Araw na at halos lahat ng utaw sa Metropolis ay maglilipana na sa iba't-ibang dako ng bansa. Magmimistulang "ghost town" na naman ang buong kaMaynilaan. At hindi mawawala sa listahan ng pupuntahan ang (drum roll please) Puerto Galera.

Dahil bukod sa malapit (apat na oras lang ang byahe) affordable pa at hindi na kailangan ng mahabang pagpa-plano.

Tulad na lang ng ginawa namin nina John at Marie. Heto ang blow by blow account nyahehehhe.

8 April 2006

12 noon - kakagising lang namin ni John at nag-text si Marie at ni-report na nasa PG (Puerto Galera) sina Jap at Ken (mga teng ni Baby John) So sabi ko tara sunod tayo. Ito na lang ang natitirang pagkakataon namin to go on a beach getaway dahil sa Lunes may work na si John at ako naman sa susunod na Lunes. Iskrap na ang planong Boracay, mahal ang airplane ticket nyahehehehe.

3:00 pm - uwi ako sa bahay to get some things, pera at baon. 2 lata ng century tuna at mga skyflakes nyaheheehe.

3:30 pm - meet namin si Marie sa bus station.

4:15 pm - umalis ang bus sa Pasay. Yahooo! PG here we come!!

8:20 pm - Batangas City port. Oo ang tagal ng byahe. Ang tanga ko kasi! Dapat CALABARZON ang sinakyan namin. eh dahil naniguro akong hindi kami mawawala. Batangas Pier ang sinakyan namin hindi namin nakita na may Tanauan at Lipa pang nakasabit na signboard. Ayun so nalibot muna namin ang kalahati ng Batangas at ang City Hall ni Ate Vi bago nakarating sa Pier resulta? Stranded kami. 7:30pm umalis ang huling special boat papuntang Gale. Special meaning inupahan for 3k nang mga na istranded para makahabol sa Sat party sa PG. Grrrrr.. Kaya ako isep isep. Kailangang mag gimik din.

Kaya tinext ko si Grace. Taga Batangas yun ... ahehehe. Kaya..

9:12 pm - bumibirit na kami sa videokehan sa J. P. Rizal sa Batangas City. Kasama si Geros at si bespren Grace ng PP.

9 April 2006 

1:12 am - balik pier kami. Since 5am pa ang unang trip papuntang PG. Sinubukan naming matulog. Pero hindi ko rin kinaya.

Look at Marie, parang eksena sa CSI, nyahehhehehe!!!

Kaya si Baby John ang pinatripan ko. Look at his hair.


5:00 am sakay na!

7:00 am ligo agad!


9:00 am snorkeling with the jeli pish!


2:00 pm set up ng tent sina Jap at Ken dahil sa Tuesday pa sila uuwi. Tambay muna kami while waiting for our boat that will depart Gale at 5pm.


5:00 pm buh-bye na PG!!!

 

See nakita naming sumikat at lumubog ang araw sa Puerto Galera sa loob ng isang araw lamang mismo. Nakakatakot ang alon, pero masaya naman. Lalo't first time naming outing ito ni Baby John. sweet noh!!!

 

 

 

 

 

 

 

Deal a Card

April 26th, 2006

Puro tanong. Ikaw ba ang sagot?

Posted by kwaho at 08:52 PM on April 26, 2006 in Mga Paglilimi.

Ang daming nangyari sa loob ng dalawang buwan. Iyong mga bagay na halos taon kang nasanay, bigla  na lamang magbabago sa loob ng isang araw. Iyong taong nakasanayan mong kasama sa halos isang taon magigising ka na lang isang araw nasa bahay pala ng ibang bakla. Iyong sa isang iglap bigla na lang mawawala ang mga bagay o mga taong pinahalagahan mo.

Pero ang nakakagulat sa mga pangyayaring ito, may pumapalit, may mga bagong karanasan, mga bagong taong nais maging bahagi ng buhay mo. Maraming pagbabago sa loob halos ng dalawang buwan.

Naisip ko bakit ang bagal ng mga araw, bakit yung dalawang buwan parang halos dalawang taon na nangyari?

Nuong mag-umpisa ang training ko para sa isang call center, nasabi sa akin ni Janice (kasamahan ko na kambal din cool nga eh) na baka daw wala akong inspirasyon, kaya parang walang direksyon ang buhay. Kaya ba parang walang halaga lahat ng ginagawa ko. Walang dahilan upang magpursige at walang paglalaanan ng lahat ng ibubunga ng mga paghihirap.

Mukhang ganun na nga. Nasa punto ako ng buhay ko na parang tapos na. Parang wala nang kasunod. Parang hanggang dito na lang o meron pa ba? Parang pakiramdam ko naranasan ko na lahat. At heto na naman ako tinatakot ng ideya ng kamatayan. Ito ang panahon kung saan kamamatay pa lamang ng puso. At hihintayin ko na namang bumangon muli, maghihintay sa isang taong magpapatibok nito at magbabalik ng inspirasyon, ng direksyon, ng lahat ng halaga ng buhay.

Paano ba mabuhay? Paano ko mahahanap ang inspirasyon? Ano ba halaga ko? Masaya ba ako?

Dami na naman akong tanong. Pero gaya ng gasgas na linya, gasgas na rin ang utak ko sa pag-iisip. Pero sabi nga panahon lamang ang nakaka-alam.

Heto na naman ako, naghihintay.

 

 

Deal a Card