cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for March, 2006

March 1st, 2006

PIS, LAB at LODYIK

Posted by kwaho at 08:38 PM on March 1, 2006 in Mga Plugging.

Isang e-mail mula sa ka-LIRA at ka-Pinoypoets kong si Nanoy. Sumasang-ayon ako.


PIS, LAB, at LODYIK:
Tatlong sandatang magagamit natin LABAN sa APATHY at IGNORANCE.


PIS:
Alalahaning hindi ang mga APATHETIC ang kalaban natin kundi ang APATHY. Hindi ang IGNORANT kundi ang IGNORANCE. Ang pinakamagandang mangyari ay maconvert sila. Mahirap mangyari iyon kung magiging hostile tayo dahil may tendency na maging defensive at kumontra lang nang kumontra ang isang taong natatamaan.

Maging pispul. Maging matinik, pero boneless.


LAB:
Kung apathy ang isa sa mga sandata ng kasalukuyang rehimen, mayroon tayong maitatapat: EMPATHY.

Ayon sa mga humanistic psychologists, ang empathy ay "having an accurate sense of another person's perspective reality". Ito ang hinihingi natin sa mga apathetic, ang makiramdam sa atin, ang madama tayo. Pero para ma-achieve iyon, kinakailangang maramdaman muna natin sila, kung bakit sila apathetic, kung bakit mas komportable silang
maging ignorant. Mahirap, pero kapag NADAMA natin iyon, malalaman din natin kung papaano labanan.

NOTE: iba ang "agreement" sa empathy. Maaaring mag-oo nang mag-oo ang isang tao ngunit hindi pa rin niya tayo nadarama. At ganun din, maaaring MALAMAN natin kung bakit may apathy ngunit hindi natin madama.


LODYIK:
Para malabanan ang ignorance, kinakailangang tayo din ay may alam! Huwag mag-engage sa mga opinionated debates, maghain ng facts! Karamihan sa mga apathetic ay walang kaalam-alam sa mga isyu. Sa paghahain ng facts, natutulungan natin silang maging informed, at sana, curious man lang.

Alalahanin din na although mahalagang magkaroon ng stand ang mga apathetic, huwag natin silang madaliin. Ang mahalaga, MAPAG-ISIP man lang natin sila. Palaging tanungin: "Bakit?"

Langgam lang si GMA kumpara sa apathy at ignorance. Huwag nating hayaang kumalat ang mga reply na "not my field sori call it self centerd but its true"; ignorance at apathy ang papatay sa atin. Sabi nga ni Fabian Ver, dapat daw 2 MONTHS lang ang Martial Law, pero dahil walang umaangal,tumagal nang FOURTEEN YEARS! Hihintayin pa ba natin iyon?

Tumulong sa laban sa apathy at ignorance! Pumasok sa mga chatrooms at iengage ang mga tao sa discussions. WAG MANG-AAWAY, pakiusap. Pakialaman ang mga blogs na nageexpress ng kawalang-pakialam. Magsend-to-all pa rin ng mga email na may kinalaman sa isyu. Magpost dito sa bull bord ng prenster, gumawa ng mga testimonial na may kinalaman sa isyu.

BE PISPUL, LABING, N LODYIKAL.

 

1 ang sumugal

March 18th, 2006

Aling Josie Welkam Bak!

Posted by kwaho at 11:28 AM on March 18, 2006 in Mga Paglilimi.

Labing-tatlong taon, limang buwan at anim na araw ang eksaktong bilang ng araw na nagkalayo tayo.

Sa loob ng panahon na iyan ay pisikal kang nalayo sa akin. Nasanay akong mamuhay mag-isa. Gumawa ng sariling tahanan, humanap ng sariling pangtutustos sa sarili at ipanglalaman ng sikmura.

Sa loob ng panahon na 'yan, tatlong gradweyson ang hindi mo napuntahan, dalawang medalya ang hindi mo naisabit sa akin. Isang beses kang hindi nakadalaw sa akin sa hospital. Dalawang beses kang hindi nakatakbo sa hospital, alas-dos ng umaga upang salubungin ang bago mong apo, (mga readers: galing sa kapatid ko, hindi sa akin)

Sa loob ng panahon na 'yan ilang beses akong nadapa at mag-isa ring tumayo. Sa loob ng panahon na 'yan nalimutan ko na ang lasa ng iyong sinigang, tinola at pinaupuang manok.

Tapos nuong isang linggo. SA isang iglap darating ka. Kakaway sa mga kapitbahay at maghahamon ng TONG-ITS!!!

Maligayang pagbabalik Aling Josie. Mahal na mahal kita kahit sa loob ng panahon na 'yan hindi mo nakita kung paano ako gumwapo.

Deal a Card

March 22nd, 2006

May Palabok, Tong-its at Eskimo sa bahay ni Edz

Posted by kwaho at 11:18 PM on March 22, 2006 in Mga Paglilimi.

Ako: Ma anong oras kayo pupuntang ospital?

Aling Josie: Mamaya-maya anak, eto nagpa-powder na ako!

*katok sa pinto*

Kapitbahay: Aling Josie tong-its ho!

*after 2 minutes*

Ako: Ma anong oras kayo pupuntang ospital?

Aling Josie: Bukas na lang anak. Matrapik ngayon. O tong-its tatlo alas kwadro king. Sunog ka wala kang baba! Hits ko na!!


------------------

Tama ba pagkakaalala ko ng kantang ito sa isang laro:

Wan, tu, tri, asawa ni Marie
Araw gabi walang panty

Sinasabi ko na nga ba, uso na mga may asawang bakla!

------------------

Isa na akong Eskimo ngayon. At nakahuli ako ng isang big bear na hindi naman Polar bear. Tsk tsk tsk tsk.

Methinks bakit hindi ka na turn off sa isang lalaking may dalang pamaypay sa bag. Offensive pink ang kulay ng panyo. Pumipilantik ang  mga daliri kahit 5'8" ang taas nya at sobrang kuliiit. Pero kakatats at malambing. Hmmmm.

------------------

Kapitbahay: Aling Josie yung palabok nyo maaalat.

Aling Josie: Hindi naman lagyan mo lang ng kalamansi!

4 ang sumugal

March 23rd, 2006

May Batang Umiiyak Habang Kumakain ng Pancake

Posted by kwaho at 03:50 PM on March 23, 2006 in Mga Tula Ko.


Umalat kasi ang lasa ng pancake gayung itlog, arina at gatas lamang ang laman nito. Paano kasi habang niluluto ni Aling Josie, umiiyak ang anak.

Iniwanan sa daan ng kasintahan. Naki-angkas kasi walang pamasahe o wala lang talagang sariling masasakyan. Nuong nakita ng may-ari ng sasakyan, tinadyakan pa sya nito kasama ng ina pababa.

Kaya ngayon umiiyak ang anak mula nang inihanda, niluto at inihain ang pancake. Tuluyang umalat ang lahat.

Hindi maibsan ng hikbi ang pagtangis ng ina para sa anak, anak sa ina. Hindi maitanging ang alat pala'y pumapait sa kalaunan.

Kaya walang tigil ang pag-iyak ng anak. Habang ginagamot ng pagkain ng pancake ang puso niyang nasugatan sa pag-angkas sa kakarag-karag na sasakyan.

1 ang sumugal

March 30th, 2006

Mabilis talaga malagas ang dahon

Posted by kwaho at 03:45 AM on March 30, 2006 in Mga Paglilimi.

Parang kailan lang itong batang 'to ay kalong-kalong ko sa jeep, anim na buwan pa lamang s'ya nuon pero sabay kaming lumilingon sa mga cute guys ahehehehe. Ngayon heto na sya. Matalino, madaldal at higit sa lahat MAGANDA, mana sa DADA nya.

 

 

Deal a Card

April 1st, 2006

O2: Want to breathe fresh air?

Posted by kwaho at 12:26 AM on April 1, 2006 in Mga Plugging.

Pinoypoets 2nd Chapbook: A Breath of Fresh O2

A year after the memorable launch of [Öb•Vêrs] Obras in Verse,
Pinoypoets Inc. proudly releases its latest poetry compilation via O2
(Obras in Verse Volume II), the second Pinoypoets Chapbook.

As before, the collection showcases the best works of Pinoypoets
members posted from January 2005 to November 2006.

O2, which features a total of 52 poems in English and Filipino, brims
with diverse images, metaphors, textures and layers on a variety of
themes as only the best Pinoypoets could conjure.

Pinoypoets 

The Pinoypoets 2nd Chapbook launch will be highlighted by a live
poetry reading by members and music by Kalumad on April 01, Saturday, at Libreria Bookstore, Thomas Morato Ave. at 7 pm onwards.

Join us for a breath of fresh O2!

Deal a Card