IKANTA MO
Posted by kwaho at 09:13 PM on July 9, 2005 in Mga Paglilimi.
Gaya ng nakagawian ng maraming Pilipino ngayon sa tuwing may dumarating na daluyong sa kanilang buhay...umaawit na lang. Hindi nyo ba napapansing kaliwa't kanan na ang mga KTV at videoke bars na dating mga pundahan nuon? Ahehehehe ganyan ang Pinoy mahilig sa myusik. Ayoko nang magsulat ng tungkol kay Gloria. Pero itong awit ni Manong Gary parang larawan ni Juan ngayon. Sabayan nyo ako...
PEDRONG PAKO 1992
Words & Music GARY GRANADA
The Best Of Gary Granada, 1996
Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan
Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan
At ang kinakalawang na pakong nabubulok
Sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok
Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada
Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada
Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara
Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata
Bagong bahay, lumang pako
Dating gimik na inibang-anyo
Bagong bote, lumang toyo
Ang laging sawsawan ni Pedro
Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga
Dahil sa antipara ang poste di nakita
Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan
Di pa nakarating sa dapat na puntahan
Si Pedro'y may kilalang kawatang pulitiko
Sa bawat halalan ay laging kandidato
Nabulag na si Pedro, napako pa ang tuktok
Pulitikong bulok sa pwesto iniluklok
Bagong bahay, lumang pako...
Nang dahil sa pako bahay ni Pedro'y bumagsak
Sa bulkan, bagyo, baha't lindol tuluyang nawarak
Giba na ang dingding, sahig, haligi't bubungan
Mabuti pa kaya, magbagongbahay na lang
Posted by kwaho at 09:42 PM on July 13, 2005 in Mga Paglilimi.
SALOY 2005
Kumperensya ng mga Estudyante para sa Wikang Filipino
WIKANG FILIPINO: NAGBABAGONG LARANGAN, NAGBABAGONG PANANAW
Agosto 11, 2005, Pamantasang De La Salle - Maynila
Inaanyayahan ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle ang mga estudyante sa kolehiyo sa Luzon para sa SALOY 2005: Kumperensya ng mga Estudyante para sa Wikang Filipino. Ito ay gaganapin sa ika-11 ng Agosto 2005, 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Pamantasang De La Salle – Maynila.
Layunin ng pagtitipong ito na bigyan ng venyu ang mga estudyante na ibahagi at talakayin ang kanilang mga pananaw at ideya tungkol sa wikang Filipino at mga isyu, alalahanin o sitwasyong kaugnay nito. Maaari ring talakayin ang iba pang isyung may kinalaman sa pangunahing tema. Para sa mga nais magbasa ng kanilang papel o naisagawang pananaliksik, kailangang magpadala ng abstrak na hindi lalagpas sa 150 salita at single space. Kasama na rito ang pangalan ng awtor, kolehiyo/pamantasang kinabibilangan, tirahan, telepono at email address. Ang pinal na papel ay hindi dapat lalagpas sa walong pahina (doble espasyo), sa font size na 12, Times New Roman o Arial. Ang dedlayn para sa abstrak ay sa Hulyo 16, 2005.
Maaari itong ipadala sa Departamento ng Filipino, Room 401 - 403 William Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Manila o sa email na ramil_correa@yahoo.com o torralbaj@dlsu.edu.ph. Ipaaalam ang mga natanggap na papel sa Hulyo 23, 2005. Ang kumpirmasyon ng paglahok at pagpapadala ng pinal na papel ay sa Hulyo 30, 2005. Walang bayad o libre ang pagdalo sa kumperensya, magbabasa man ng papel o makikinig.
Magbibigay din ang departamento ng natatanging handog o token ng pagkilala sa mga natanggap na papel. Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Departamento ng Filipino sa telepono bilang 5244611 lokal 552 / 509
BEINTESINGKO NA AKO
Posted by kwaho at 11:55 PM on July 26, 2005 in Mga Paglilimi.
A-beinte siyete na at ngayon pa lamang ako gagawa ng entry tungkol sa kaarawan ko. Buong araw akong tlog nuong abente uno. Hindi talaga ako nagse celebrate ng kaarawan. Sa katunayan dalawang beses pa lamang ako sa tanang buhay ko nagcelebrate ng kaarawan. Una, nuong 7th bday ko sa Cavite at nuong 23rd bday ko sa bahay namin nina Alex.
Ngayon 25 na ako may nagbago ba? Marami naman, maraming blessings at marami ring heartaches.
Pero ang memorable sa 25th bday ko ay heto. Ginisng ako ng katok ng sister-in-law ko bitbit ang panganay niyang anak si Josephine May na ka bertdey ko (at ng tatay nya na kakambal ko) at ang bungad sa akin ng 5 year old kong niece "Happy Birthday Dada!" ahehehe sarap ng gising ko.
Chineck ko ang wallet ko at nag antada, sabi ko, goodluck sa amin ahehehe P800 lang laman ng wallet ko paano ba badgetin? Heto ginawa ko.
Naligo si JM kasi wala daw shower sa kanila, aliw naman ako dahil pinaliguan ko sya, mahilig ako sa bata, sa katunayan ako nag alaga kay JM nung bagong silang palamang sya. Estudyante pa ako nun sa PLM.
Tapos dinala ko silang mag-ina sa Metropoint yung mall sa Taft Station ng MRT. Hmm... mahilig daw kumanta itong bata kaya pinagvideoke ko. To my surprise, marunong ngang kumanta ang bata, kahit di pa marunong magbasa kabisadong kabisado ang awit ni Kitchie Nadal. So syempre porud ang Titong laman din ng mga videoke bar ahehehe. (OK to, may fuure mapagkakakitaan na kami nyahehehehe) Videoke, P30.00
Napadaan kami ngayon sa TOY STORE na katabi lamang ng KTV, syempre pasok kailangang bumili ng bertdey present. Hala sige dampot dito dampot duon ang ginawa ni JM hinayaan ko na lang muna, sa gulat ko nang may nakita syang mas malaki at mas magandang luto-lutuan, nagdecide sya.
"Dada ito na lang kasi kumpleto ito, may kalan pa" explain nya, kaya yung limang laruang bitbit ko naging dalwa na lamang at nagyaya na syang lumabas. Na-touch talaga ako, ke bata pa marunong nang magbudget! Laruan P150.00
Syempre nagutom ang bata sa kakakanta at kakahalungkat ng laruan. Sa mga mata ng mga bata, wala nang mas sososyal pa kundi ang pagkain sa..... JOLLIBEE! Hinayaan ko syang umorder at inorder nya ang spaghetti (syempre bertdey eh) at burger with coke, sa mama nya spag lang (nakiki bertdey) at sa akin syempre yung pinakamura Value meal No. 1 pina Go Large ko na para di naman halatang nagtitipid ako. Jolibee P 250.00
Kainan na, at kiniss pa ako ulit ni JM at nagsabi ng "Happy Birthday Dada!" ahehehe matapos ang apat na subo ng spaghetti sinarado na nya yun at nilantakan ang fries ko. (SInadya ko talagang mag fries dahil yun ang paborito ng mga bata) Tinanong ko kung ba't di nya inubos yung spag nya. Aba nagulat ulit ako sa sinabi.. "papasalubong ko kay Papa, birthday din nya eh" Gusto ko nang maluha sa puntong ito. Kung minsan may mga pintuan na mga bata lamang ang may kakayahang bumukas sa atin nito.
Syempre kailangan after ng Jollibee may ice cream kaya punta kami sa Magnolia, at bumili ng ice cream cones P50
Excited nang umuwi si JM dahil gusto na nyang magluto-lutuan kaya hinatid ko na sila sa sakayan ng tricycle. Syempre may kaunting pabaon galing kay Dada. Inabutan ko ang sis-in-law ko nang P150.00 Kasi parang ako pa nahiya at wala akong handa ahehhe.
So may 200 pang natira sa akin. Haaayy, kahit ganito ang buhay, kung minsan ang tunay na saya makikita mo sa pinakasimpleng bagay. At sa bibig pa ng isang musmos.
Salamat sa Diyos at umabot ako sa edad na ito. Nakapagtapos sa pag-aaral, nakapag trabaho at nakalipad na rin. Marami talaga akong dapat ipagpasalamat sa Kanya, kahit na ang buhay ay patuloy na pamamaluktot at pagbabadget ng 200 na pera sa loob ng isang linggo.