cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for June, 2005

June 8th, 2005

ANG PALIHANG LIRA

Posted by kwaho at 06:57 PM on June 8, 2005.

Matagal na akong 'di nakakapagsulat dito at hindi ko rin naisulat na nasali ako sa taunang Palihan ng Linangan sa Imahe, Retorika at Anyo (LIRA) na itinatag ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura, Virgilo S. Almario, o mas kilala bilang RIO ALMA sa mundo ng panulaan.

Simula sa ika-4 ng Hunyo hanggang sa unang linggo ng Hulyo ang Palihang ito. Sa unang dalwang araw pa alng ramdam na namin ang hirap at hamon ng palihang ito. Nawa lahat kami sa Pinoypoets na kasali dito ay magsipagtapos ng sama-sama.

Deal a Card

June 15th, 2005

Ang Lecheng Pag-ibig

Posted by kwaho at 09:59 AM on June 15, 2005.

May naisulat na akong "entry" para sa blog ko tungkol sa pagmamahal na
walang kapalit pero ang sabi ni Ergoe, may lugar ang lahat ng
pagmama-asim. Sa halip na ituon ko ang aking panahon at pansin sa mga
temang pag-ibig dapat siguro maging seryoso ako sa Palihan ng LIRA.
Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong sumulat tungkol sa
ganitong tema.

Marahil wala nang nagbabasa ng blog ko dahil sa ka-"corny"han ng mga
pinagsusulat ko, subalit pinapangako ko ito na siguro ang huli, kung
hindi man, sinisiguro kong matagal na panahon bago ako muling susulat
ng tungkol sa pag-ibig.

Ilang ulit ko nang sinabi na ang umibig ay tila isang malaking bilog,
may mahal ka na may mahal na iba, at yung hindi mo mahal ay minamahal
ka.  Isang malaking laro ng habulan at patintero, na kung saan wala
yatang nananalo. Kung minsan nakakapagod intindihin na sadyang ganuon
ang batas ng pag-ibig. Pero hindi daw nagbabago ang puso, masaktan o
madapa man tuloy pa rin sa pag-ibig.

Sabi ni Manong Gary sa awit nya.

       May tungkod na't salamin
       At de-kampanilya na
       Kailan lang si Isabel
       sa bibig may gatas pa
       Naalala ko nuon
       Minsan sya'y nag-iigib
       ay nahulog sa balon
       malalim na pag-ibig
       Iba na ang kanyang mundo
       Ngunit ang kanyang puso
       Ganun na ganun
       ganun na ganun pa rin
                       - Ganun Na Ganun Pa Rin (di ko tiyak kung ito nga ang title)
                       Gary Granada

Maraming tao ang naniniwala sa "unconditional love" o ang pag-ibig na
walang hinihinging kapalit. Marami rin ang nagsasabing kaya nilang
gawin ito. Ngunit naniniwala akong walang may kayang gumawa nito kundi
ang Diyos. Bilang tao, may mga pangangailangan tayong nais nating
makamit. At kahit sabihin ng isip na umiibig tayo di bale nang hindi
tayo mahalin, niloloko lamang natin ang ating sarili. Umiibig ka dahil
nais mo ring ibigin. Umiibig ka sapagkat nais mong gumawa ng isang
bagay para sa ibang tao, at kahit hindi pag-ibig ang kapalit, mayroon
at mayroon paring bagay ang inaasahan mong gagawin niya kapalit ng
pag-ibig na inalay mo.

Pero sabi ni Basil Valdez, expected na talagang masasaktan ka dahil
kadalasan hindi nasusuklian ang pagmamahal mo, kaya matuto kang
magpatawad AT UMUNAWA.

       Walang hindi man lamang dumanas kailanman
       Magmahal ng tapat na di man lamang nasaktan
       Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
       Minsa'y nadarang paano mapagagaan?
       Puso'y muling buksan
       At sa pagpapatawad ilaan.
                       -Muling Buksan ang Puso
                       Basil Valdez


Kaya dahil nga na expected na na masasaktan ka kapag umibig ka ng tapat, ang marami dyan, satisfied na sa sex na lang, walang commitment kasi
nga, sabi ng palabas na QUEER AS FOLK , "It's ALL ABOUT SEX". Ginagawa
na lamang na pampalubag loob ng mga taong ayaw nang masaktan o mga
taong sadyang salawahan, ang SEX. Pero hindi lang sex ang mahalaga sa
pag-ibig. Hindi ganu'n kababaw ang pag-ibig.

So ano ang kinalaman nitong pinagsasabi ko sa akin? Siguro in love
ako. Kaya lamang hindi nya alam.

Bilang pangwakas hihiritan tayo ni Manong Gary:

       "...kung ang pagsinta'y hindi man magtagal
       ang mas mahalaga, natutong magmahal
       umibig ng walang panghihinayang
       kahit malamang na masaktan..."

       "...heto na naman ako sa aking kabaliwan
       na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
       ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
       magpalipad ng saranggola sa ulan!"
                               -Saranggola Sa Ulan
                               Gary Granada

3 ang sumugal

PP 'TO!

Posted by kwaho at 03:22 PM on June 15, 2005 in Mga Paglilimi.

Pinoypoets’ Anniversary Night at Conspiracy

 GUYS!! Better block off Tuesday, June 28  on your social calendar. Pinoypoets (PP), an online community of literary enthusiasts, will be holding its first anniversary bash at Conspiracy Bar in Quezon City.

                              

Dubbed as PP ‘to! (The Pinoypoets’ First Anniversary), the event promises to be an evening filled with laughter, music, and of course, excellent poetry.  Prominent social, academic, and literary figures Makati Rep. Teddy Locsin Jr,  Conchitina Cruz, Vin and Kris Dancel, Noel Del Prado,  Joyce Burton Titular, Enrico John Torralba, Hannah Romawac,  Roli Inocencio, Monica Llamas and Gary Granada, are but a few of our guest readers.

The celebration will also be highlighted by performances from G-Strings, 10kpp, Rubberband, Johnoy Danao of Bridge, Paramita, and Hanna Romawac of Session Road.

Pinoypoets is a community of poets, writers and literary enthusiasts who share their works, thoughts and insights on poetry. Formed by less than 50 members in June 2004, Pinoypoets has grown to 250 members based in different regions of the archipelago---and even abroad.

Its primary objective is to facilitate a creative forum and enrich its members' knowledge and craft. Michael Coroza, Edgar Samar, Santiago Villafania, Louie John Sanchez, Eileen Tabios, Bino Realuyo and Jema Pamintuan, some of the most respected names in Philippine poetry today, are the group’s consultants and critics.

At may CD pang ilo-launch!!!

PP ‘to!(The Pinoypoets’ First Anniversary), will start at 8 p.m. Admission is FREE!  For more information, please get in touch with Rhodge Fernandez (721 7229, seventhgecko@yahoo.com), Kathline Tolosa (09175777128, kathline_anne@yahoo.com) or Romel Samson (09278470212, risingphoenix101@yahoo.com)

1 ang sumugal

June 28th, 2005

TAKOT NGA BA AKO?

Posted by kwaho at 08:45 AM on June 28, 2005 in Mga Paglilimi.

Kagabi, halos magkapikunan kami ng kaibigan ko sa Pinoypoets at LIRA nang tanungin ko s'ya kung naghinala ba sya kahit kailan sa boyfriend nya. Hanggang sa umabot ang usapan sa pagiging handa sa katapusan ng relasyon.

SABI KO:

Kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat iniisip mo na rin kung paano magwawakas. Kung ano ang gagawin mo kung sakaling may mangaliwa, may umiwan o saktan ka. Mas madaling paghandaan ang unos kaysa mabigla na lamang isang umaga na wala na ang lahat.

SABI NYA:

Karuwagan yan, Edz. Bakit mo gagawin 'yun. Bakit mo iisipin ang katapusan ng isang pa-umpisa pa lamang. Kung mahal mo sya pagkatiwalaan mo sya ng buo. Ngunit wag mo ring ibigay ang lahat. Nang sa gayung paraan, may matitira pa para sa iyo.

Duwag nga ba ako?

ahhhhh! Ayoko nang masaktan!

Deal a Card