cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

Entries for May, 2005

May 12th, 2005

Puerto Galera I

Posted by kwaho at 10:23 PM on May 12, 2005.

I promise to write a more comprehensive account of my first Puerto Galera summer, pero ngayon, gusto ko lang i-update ang natutulog kong blog.

Ito ang taon ng napakaraming realizations para sa akin. Minsan isusulat ko iyon lahat, at ibubuhos lahat ng mga emosyong nakatago pa sa loob ko.

Nais ko ring ilahad kung bakit matagal din akong hindi nakapagsulat. Hindi sya writer's block. Unang una hindi ako "writer" siguro kwentista lamang, naglalahad ng mga bagay bagay na napupuna ng malikot kong isipan. O inilalahad lahat ng aking natutunan sa buhay.

Teka, mabalik ako sa Galera, haaaayy, sabi ko sa sarili ko babalik na ako sa GYM, pero ang sarap kumain, har har har! Buti pa ang mga bading na long haired at silicon breasted ang gugwapo at ang mamaskulado ng mga papa, ahehehehehe.

Ganyan talaga ang life may balance, parang ako chinitong pango! O di ba hindi lahat ng bagay nasa iyo. At hindi laat ng ninanais mo mapapa saiyo. Kung minsan magugulat ka na may mga bagay na kahit hindi mo hingin sa KANYA, binibigay sa iyo. And you have to be thankful for that!

Miss ko na ang mga taga Pinoypoets, mga taga Insytes at mga friends ko sa church. Sana maayos ko lahat, kahit nag-iisa.

At sana sa pagpunta ko muli sa Galera, may six-pack abs na ako! (Kumukulog! bwahahahahaha!)

 

2 ang sumugal

May 22nd, 2005

Puerto Galera II

Posted by kwaho at 01:11 AM on May 22, 2005.

Ok, ok, ok!!! Titigilan ko na ang kapapangarap sa six-packed abs nayan. Ahehehe. Kaya may part two ang entry ko about my Puerto Galera summer ay dahil ia-upload ko sana mga pictures taken from that trip, unfortunately, ang digital camera na ginamit ni Cathy (friend ko from SKYCable) ay nabura ang memory. Kaya wala akong mai share na pix tuloy. Sabi nila may dahilan daw kung bakit nangyayari ang mga di-inaasahang pangyayari (actually may dahilan LAHAT ng nangyayari) pero sa ngayon paking syet hindi ko pa alam kung ano reason at nabura yun at hindi ko na sya maipapakita sa inyo.

Anyway, nagpatatoo ako dun. Henna lang, kinunan ng picture at 'yun sana ang ipo post ko, pero wala na ngayon, nabura na ang tatoo at hindi ko na maibabalik ang mga ginawa (at alaala) namin sa Galera.

Ano bang karanasan iyon? 3 araw na pagbibilad sa araw, pagtanaw at pangangarap sa mga naggagandahang katawan, kumain ng halo-halo at kahit na anong maaaring ihawin. Maligo sa dagat, mag snorkling at matutong lumangoy.

At syempre mamili ng mga panindang pampasalubong pagbalik sa Maynila.

Akala ko nung una tayong mga Pinoy lang ang mahilig sa pasalubong na kahit sa Quiapo lang tayo galing kailangang may pasalubong tayong dala pag-uwi. Believe me, mas masahol pa mga Thai dyan. (ikukuwneto ko sa Pattaya Adventure ko... Steph... comming soon)

Hindi ako nakasulat ng tula. Wala akong nakilalang matino, wala ring nangyari sa akin duon. Naubos lang ang 3k ko at sunog pa ang balat ko. Nyeta butas na'ng bulsa, nabura pa ang camera. Eto na lang muna sunset sa Galera.

Sa susunod na pupunta ako duon hindi na ako sasama sa mga straight ahehehehehe.

Deal a Card

May 23rd, 2005

ISTARIRAY NG MALATE

Posted by kwaho at 06:50 PM on May 23, 2005.

Marahil karamihan sa inyo, sawang sawa na sa pagpunta sa Malate at makakita ng mga naggu-guwapuhang mga lalaki (na hanap din ay kapwa lalaki) ahehehehehe! At sa ibang lugar na lamang naglalagi, kung hindi sa kani-kanilang kabahayanan.

Ang ilan siguro nagsisimula palang i-explore alamin at tunghayan ang halina ng Malateng minamahal. Wala na ang mga araw na kung saan sentro ito ng sining, ng mga manunulat, kwentista man o makata. Ang mga pumalit ay mga taong nagpapatawa, umaawit at nagpapasaya. Hindi naman masama ito ngunit ipinapakita nito ang kababawan ng kasalukuyang henerasyon. Sayang!

Nagpupunta pa rin ako ng Malate, maraming alaala ang hatid ng lugar na ito, maraming karanasang una kong natikman dito. Masarap lumingon, pagmasdan at obserbahan ang mga kasing edad ko (o mas bata pa) na mga kabataang nagsasaya o naglulustay ng mga salaping hindi  nila pinagpaguran. (O pinagpaguran man, napupunta lamang sa isang mababaw na kasiyahan.

Ang mga tulang ito ay maaaring magpataas ng kilay mo. Uulitin ko, sariling obserbasyon ko lamang po ito.

ISTARIRAY NG MALATE


I.         Isang Call Center Agent

Ang lawak ng lugar-gawaan mo ati
Dahil maging sa banyo kasi
maririnig ang pilit mong aksint
parang biskwit na pinilipit
sa pilapil ng nagtataasang bilding
sa Ayala, Ortigas at Libis"?

Ini-imadyin ko ang dila mong nakapulupot
sa teleponong inihain sa iyo ng mga dayuhang
dala lamang ay mura at katangahan
kahit sa ikspert mong twang
hindi mo sila malilinlang
trabaho mo'y galingan

lumang-luma sa `yo mga pirata ng CD
kahit wala ka sa Makati
ingles mo'y `di mapakali
sa taas ng lipad ng `yong kapang lunti
nalimutan mo na bang kausap ay di puti?


`wag sanang masabit, madagitab kaya
ang saranggolang iyong pinapalipad
sa gitna ng init sa pusod ng Malate
uuwi kang mag-isa, kawawa ka ate.


II. Gym Fit Hunk

Kaiinggitan mo ang malapad n'yang braso
Mga pandesal na nakalatag sa balbuning puson
Umiba ka pa ng p’westo at lingunin mo ito  
Muscles at kurba, hapit sa bagong polo.

Kahit tag-init hilig nya'y masisikip
Damit na uso, pantalong hapit na hapit
Labakarang nakatago, hindi papasilip
Upang matabunan kargadang maliit

Lahat ng tao'y tiyak na mapapalingon
Panyo at tissue'y punas-punas sa bibig
Ngunit laway mo'y tiyak na babalik
Kapag nakita ang lakad n'yang pumipilantik

2 ang sumugal

May 24th, 2005

Saranggola Sa Ulan

Posted by kwaho at 03:24 AM on May 24, 2005.

Sobra sobra pasasalamat ko kay Kai at Ergoe, dalawang beauties ng Pinoypoets for inviting me to accompany them to Gary Granada's show at Conspiracy Bar in Visayas Ave., QC.

Hindi alam ni Kai na sobrang fan ako ni Sir Gary. When Kai texted me if I wanted to join them, naku mabilis pa sa 4 o'clock ang reply ko ng YES ahehehehe. Excited talaga ako kaya 7:30 pm palang nagkita kita na kami sa Shangri-la Mall at sabay-sabay na nagtungo sa Conspiracy. First time ko lang ding makapunta sa bar na ito.

Pagdating duon bumili agad ako ng CD ni Sir Gary para papirmahan. Tapos dinner kami ni Kai. Habang kumakain biglang lumabas si Sir Gary, may hinahanap, sobrang tuwa ko ng ipakilala kami ni Kai at makipagkamayan sa kanya. Sobrang starstruck ko partida di pa kumakanta yan ha. Eto ang CD nya.

Ayo-ayo daw ahihihihihihihihi!

May kasama pang piktyur! ahehehe

Then pasok kami para sa 1st set ni Sir Gary, putik "Moon River" ang unang binanatan. Sobrang saya talaga. Tapos request kami ng kanta ni Kai, ni-request ko 'yung "Eroplanong Papel" nya na bahagi talaga ng kabataan ko. Lumaki kasi akong nakikinig sa mga tapes ni Gary Granada, pag-aari 'yun ng tiyuhin kong Protestant Pastor. Bata pa lang ako sauladong saulado ko na ang mga kanta ni Gary G. Kaya hindi ko maiwasang mag reminisce ng past kapag naririnig ko boses ni Sir Gary!

At nakilala pa namin si Tina, na very sweet at binigyan pa ako ng mp3 ng isa sa mga kanta ni Gary G. at si Noel, na mag-isang nanunuod ng gig ni GG, naki-share kasi kami ng table dahil mag-isa lamang po sya. Yes RHODGE he is very much single! ahehehe!.

Nag-renga pa kaming tatlo ni Kai at Ergoe, isang tula para kay Sir Gary eto sya:

PARA KAY GARY G.

(Mula kina Edz, Ergoe at Kai)

Hindi inaasahang paunlakan
sumukob sa payong ng 'yong musika
buong paglayang maantig
ang pusong pagpapaalipin ang layaw.
Puno man ng pait, hatid mo'y tamis,
sa kanlungan ng damdaming nagpupumiglas
pilit na sumisilong mula sa pag-ulan ng alaala
ang bawat patak ay isang paanyaya,
panghaharana ng ulap sa hiraya.

Ahehehe sobrang inspired ako (kami) lalo na nang inawit nya ang "Saranggola sa Ulan"  Naiyak na ako syet! Shehehe ganyan ko ka-idol si Gary Granada. Natupad na ang isa sa mga hiling ko sa buhay, ang makamayan at marinig ng LIVE ang idol kong si Gary G.

SARANGGOLA SA ULAN
ni Gary Granada

Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik
ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng  matatanda
Siya ay maalwan, ako ay dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam
Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa'y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig nang walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumiko
At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan.

Gaya ng lagi't laing sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan.

Heto ako tumatandang nakahangdang panindigang
ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan.

Haayy naiyak ako sa awiting ito. Umuwi akong may ngiti sa labi, apoy sa pusong handa na muling magsulat at tatoo sa braso, alibatang nagsasabing ako ay isang MAKATA.

3 ang sumugal