Entries for February, 2005
February 7th, 2005
Bagong Blog
Posted by kwaho at 02:19 PM on February 7, 2005.
Isang bagong blog, mas maayos, mas personal. Nawa lamanin nito lahat ng saluobin ko. Maging tapat kung saan hindi ako naging tapat. Maging mulat kung saan ako naging bulag. Marinig lahat ang mga bagay na hindi ko narinig at maramdaman ang mga sensasyong manhid kong dinama.
Bakit Kwaho?
Posted by kwaho at 02:52 PM on February 7, 2005.
Bakit nga ba kwaho? Ito kasi ang pamagat ng tula ko na unang nagustuhan ng mga kasamahan ko sa
Pinoypoets. Ito rin ang naging simbolo ng muli kong pagsilang sa mundo ng panulat. Matagal ko nang nais sumulat at salamat at natagpuan ko ang
Pinoypoets. O natagpuan ako ng
Pinoypoets? Hanggang ngayon salat pa rin ako sa kaalaman upang makasulat ng mga tulang magugustuhan ng lahat. Sumusulat lamang ako upang ilabas ang lahat ng hindi ko mailabas. Ang mga kasawiang hindi ko maibigkas o maiiyak. Ang kwaho kasi ay isa ring bagay na nag-uugnay sa akin at sa aking Ina, sa aming nakaraan. Magaling maglaro ang nanay ko ng kwaho. Apatnapung oras walang tayuan, ihi-break lang. Walang ligo-ligo, punas-punas lang. habang nag pi-people's power sa labas, walang habas syang nagtatapon ng mga kopas at espada. Para bang may sarili syang digmaang nilalabanan. Siguro sa laro ng kwaho rin kami nabuo ng kakambal ko. Kung hindi sa kwaho, hindi makikilala ng aming ina ang aming ama. Gandang love story ano? Sa kabuan, nalaman ko, sa loob ng apatnapu't apat na pamumuhay ko at pag-iisip kung patas nga ba ang buhay, na ang buhay mismo ay isang sugal. Isang walang katapusang sugal, na walang nananalo. May natututo, may umuulit ng pagkakamali, may walang paki-alam, may nawawalan ng pag-asa, may gustong kitlin ang buhay upang mahinto ang laro ng buhay at may gagong sumusulat ng lahat ng nangyayari, para mabasa ng ilang mayhilig pang magbasa.
KWAHO Maghapon, magdamag mong binabalasa. Mga barahang hindi marunong bumasa ng ‘yong bukas Kaulayaw mo’y usok. Mangkok ng ulam mong punong puno ng sabaw. Coke, pamatid uhaw, Tatlo mong katunggali, isa-isang tinatapon mga ulupong ng haring kopas, humihigop ng sopas Habang sa ilalim ng mesa, munting aninong sa dumi nakalagak. Sa pisong nahuhulog nagagalak Isa kang reynang nasa trono. Nag-iinit sa tagal ng pagkakasadlak, hithit ay Marlboro At syang musmos walang malay. Punla sa ‘yo ng yong haring bastos. Pagbabalasa’y nahinto. Sa palda mo’y May gumalaw "Asan si itay?" Winika mo’y “nalunod sa sabaw!” halakhak mo’y palahaw. Nanalo ka na naman.
The “official” spelling of its name is “cuajo,” a Spanish word for rennet which is defined as “a dried extract made from the stomach lining of a ruminant, used in cheesemaking to curdle milk.” Some scholars believe that kwaho has a connection with Chinese chess cards (whatever the hell those things are). They also noted that there is a Malay card game called “Kua Oh,” and a Chinese game known as “Kanhoo.” (notes from Mr. Zaldy Dandan) So ano? LARO tayo!??
February 8th, 2005
On The Rocks
Posted by kwaho at 06:11 PM on February 8, 2005.
On The Rocks
Ikinulong sa init ng kalooban
upang matunaw at malunod
sa sariling kalungkutan
hanggang sa tuluyang malalang
karagatan sa loob ng paraisong
hindi parisukat.
kalahating puno?
kalahating ubos?

(
Kuhang larawan ni Kathline Tolosa)
Ang buhay ay parang yelo, natutunaw, nauubos at iyong makikita sa linaw ng tubig ang lahat ng iyong ginawa, malinis ba o madumi? Ngunit sino nga ba talaga tayo upang humusga kung ano ang malinis at madumi? At kung ang pagiging madumi ay mali, at hindi karapat-dapat. SIno?
Sa iyong pagtanda, titingnan mo ang iyong buhay na tulad ng isang yelong natunaw sa loob ng isang baso. Kalahating ubos ba? o kalahating puno? Mapupuno ba ng mga aral, at alala? ng pait, saya o sama ng loob? O naubos ba ang laman nito dahil ibinahagi natin sa ibang baso? Ninakaw ng mga mapagsamantala? O pinatak natin sa ating mga mata upang maging kahalinhinan ng natutuyo nating mga luha?
Bakit kapag humihingi ka ng isang inuming may yelo, sasabihin mo "on the rocks" kapag humingi ka rin ba ng isang tao, o isa pang baso sa tabi mo na may makabuluhang yelo, maaari mo rin kayang sabihin ito?
Ano ba ako, puro na lang tanong. Eh sino ba naman sa atin ang walang tanong. Kahit mangmang marami ring tinatanong, kung minsan mas maigi pa ang mga mangmang nagtatanong, ang ilan kahit hindi alam nagkukunwaring alam.
Uuwi na ako!
February 9th, 2005
Pag-uulayaw
Posted by kwaho at 11:47 AM on February 9, 2005.
Pag-uulayaw
January 19
(
kuhang larawan ni Kathline Tolosa)
Habang nakalapat ang aking likod sa mga buhangin,
kinikiliti ng mga alon ang aking mga paa.
Hanggang sa tuluyang pangibabawan
ng tubig at buhangin ang aking buong katawan.
Hindi upang ilibing ako sa limot at kawalan
Ngunit upang lalo lamang ipadama
ang hapdi ng hampas ng bawat alon, bawat unos
Paulit-ulit lamang ang lahat
Masarap sa simula, waring kiliti ng langit
At tatabunan ng buhanging kastilyo ng pangarap.
Huhugasan ng alon ngunit hindi sa sarap
Ibabalik sa dalampasigan kasama ng lahat
Walang ititira, ni bakas ng alaala
Lahat ay kabayaran kapalit ng isang sandaling
Ikaw ang kaulayaw.
(
Ang naka-italized na bahagi ay text message sa akin ni Rowie. Dinugtungan ko at heto ang kinalabasan)
February 10th, 2005
Hapi Baliwtams!
Posted by kwaho at 04:11 PM on February 10, 2005.
Dear Rhodge,
Ayan Rhodge nasabi ko na sa kanya kung ano nararamdaman ko. As expected hindi naman yata nya sineryoso lahat. Aaminin ko umiyak ako, dahil sa sobrang lungkot. Ganuon pala talaga ano. Para kang bata na naghahangad ng kendi pero ayaw ibigay sa iyo ng nanay mo. 'Yung feeling of helplessness at sadness umiikot sa loob ng damdamin mo. Gayun pa man, expected na iyon hindi ba? Akala ni Alex may bago na ako, oo meron na nga pero hindi naman pwedeng maging akin. Rhodge sabi ko nga sa kanya para bang karma sa akin. May mga taong umibig sa akin ngunit iniwan ko rin pero ngayon heto ako, kulang na lang lumuhod ako upang maging akin sya. Eh alam naman nating hindi na sya pupwede. Hindi na sya malaya.
Sa araw ng mga puso, tutula na lamang ako. Ng totoong pag-ibig at mga pangarap na nais buohin pero hindi naman matutupad. Nahihiya na rin akong magpakita sa kanya. Dahil makikita lamang nya ang pangungulila sa aking mga mata. Ang mga kislap ng mga bituin minsang tinxt ko sa kanya na magbabantay sa kanya sa kanyang pagtulog. Alam na nya ang mga lihim na pinagsaluhan namin ng buwan. Ang mga oras at paraan kung paano nya ako pinakikilig. Kung paano nya gustong gustong tawagin akong Ruel Tan.
Ha? Ako nababaliw? Siguro nga Rhodge, baliw na ako. Sana gayuma lang ito. Upang sa gayun, alam kong ang lahat ng ito'y hindi totoo. Lahat ng ito'y bangungot lang. Nakakabaliw kasi. Nakakabaliw ang tingnan ang kanyang mga mata. Para akong hinihipnotize. Parang kendi na masarap tingnan. Pero hindi pinagbibili.
Nababaliw na nga yata ako.
Happy Baliwtayms Rhodge!
Ruel Tan
February 11th, 2005
Sagutang Tula
Posted by kwaho at 05:22 PM on February 11, 2005.
Ngayong a-trese ng umaga, Sabado,
isang ngiti ang nahiyang
sumungaw sa aking mga labi
Mark Angeles
7am. magdamag na rin akong dilat
nakaharap sa kahong ito, sa kweba ni Plato
o sa unibersong sinisipat ni Galileo
sa kabilang dulo ng telescope.
ngumunguya
pa rin
ako
ng mentos
at hindi lang nadudurog
ang anghang ng mint
sa aking bibig
kung hindi pati ang mga titik--
lumalangoy
sa aking isip
(parang anemone sa fish bowl)
Nag-text ang aking karelasyon
matutulog na
maghapong nagbabad sa practicum.
at ako. ako ang mga mata ko
ang mga pupils kong nakasalalay
sa grado ng contact lens
ang mga mata ko. ako
yumaong Yasser Arafat
na nag-iwan ng huling ngiti
sa mga Palestino
kaya kayang tipahin
ng aking mga kamay sa keyboard
(kung piano ito'y symphony o punebre)
ang
totoong
nakikita
ng aking mga mata?
silipin mo akong isang kaluluwa
nakayakap sa aking sarili
nakayakap sa mga aliens ng Planet Earth.
Ngayong a-trese ng umaga, Sabado,
may nakita akong mahiyaing ngiti.
Edwin Padillo
7am. magdamag din akong dilat
umawit ng Rick Astley
at nakipag-rhumba
sa mga matatanda.
sa kabilang dulo ng entablado
nakakuyakoy
ang anino kong
nakasimangot
pilit tinututok
ang ma-echong mic
sa aking bibig
parang ang mga titik ng awit
ay nagpapamanhid
sa aking isip
(parang chicharong bulaklak)
Pinipilit kong h'wag syang itxt -- hala sige kanta
'di pa tulog 'yun
maghapong nagbabad sa kanyang
mundong marami syang pagkatao
at ako. sa gitna ng stage ng bar na ito
hubad paring umaawit
ng Rick Astley at Bread
sa tinig ni Tom Jones
himig kong pang karo sa patay
na nag-iwan ng huling ngiti
sa mga lasenggero.
kayang kayang indahin
ng aking awit ang pait
(may iba pa bang lasa ang pag-ibig?)
ang
totoong
nadarama
ng aking pusong
tanging tula mo lamang
ang kinakanta.
Aawit pa ako ng kay Madonna.
February 14th, 2005
Colors of Valentine's
Posted by kwaho at 02:56 PM on February 14, 2005.
Funny but
RED is not the color of love, sabi ng mga Chinese,
PINK ang kulay ng pag-ibig. And yet everywhere you look lalo na ngyaong araw na ito everything's in
BLOODY RED. Naks Brit-expresso pa yan.
Wala akong magawa, mamya manunuod ng sine pero hindi kasama ang taong minamahal ko. Waaaaaa!!!
(*inangat ang keyboard, inuntog sa ulo ni Ruel)
Kabaliw, last week, in-love na in-love ako matapos panuorin ang
"Shall We Dance" at
"Very Long Engagement" pero ngayon, kung kailan araw ng mga puso, ang lungkot lungkot ko. Syeet! Nalaman ko kasi mula sa reliable source ko na balewala lang pala sa kanya ang pagsama ko sa kanya nung isang gabi. Kahit sampung kilometro na yata ang inilagpas ko sa bababaan ko. Anyway, wala dapat akong panghinayangan, dahil ginusto ko yun. Masaya naman ako eh. Dahil kahit sandali nagkasama kami. Ahehehe
Ang duwag ko lang dahil hindi ko talaga itinuloy hanggang sa kanila. Hindi ko na kabisado yung lugar nya. Baka maligaw ako at mapag-tripan ng mga lasings sa daan.
Pero masaya na ako ng ganuon.
Mabalik ako sa kulay
GREEN: hindi ko alam na fave color nya ito, at ito pa ang pinili kong kulay para sa blog ko. Coincidence? O
SIGN? Nyeta ka Rhodge, ayan na naman yang boses mo sa utak ni Ruel Tan, sabi mo
"wishful thinking!" yeah right!
BLACK: well hindi sya color, shade sya. Pero yan ang suot namin ni Rhodge nung byernes. Ahehehe.
BLUE: kakasawa ka na blue, pero lagi kang nakabuntot sa akin. aaaarrrggghhh!!! Ayoko na sa iyo!
PINK: ayaw nya ang kulay na ito Rhodge, pero sa tingin ko marami sya nito. (Uuuyy nagpapakatalinghaga)
Gayun paman, gusto ko paring sumigaw na parang baliw!
Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong Lahat!
may
PUSO pa rin naman kasi ako! malungkot nga lamang!
Ruel Tan
February 20th, 2005
Pinoypoets at ang UP Fair
Posted by kwaho at 02:18 PM on February 20, 2005.
Napaka memorable ng unang pagsalta ko sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP)
TUMPAK! hindi pa ako nakakapunta sa UP ahehehhe, kung hindi dahil sa meeting ng
Pinoypoets kahapon hindi parin ako makakapunta sa UP.
Alas-nuwebe y medya pa lang nasa
MRT Santolan na ako upang i-meet si
Xam at
Khai (kasama ang pretty sister nyang si
Lin lin), tumawag si
Xam after 30 minutes kong paghihintay at sinabing sa Quezon Ave. Station na daw kami magkita. Kita sa Quezon Ave, then punta sa Philcoa tapos meet sina Kath sa McDO. Hintay ng kaunti para kina
Rhodge, Jojo, at
Van. Then punta na sa Parks and Wildlife, upang madisamaya lang sa mga government employees ng liwanasang ito.
San ka nakakita ng Visitor's Center na nakahilata ang mga empleyado sa salas (tatlo sila) at nanunuod ng t.v.. Punyetang mga gagong iyon. Hindi kami pinansin, hala sige higa lang at nuod sabay kamot pa sa naglalakihan nilang tyan parang mga patabaing BABOY!!
HOY SEC. DEFENSOR, ANO NA? ALAM MO BA ITO?
Anyway, parang siga kaming tinanong nung guard yata yun, basta mukha syang goons or guard, at tinanong namin kung paano kami makakagamit ng facilities ng liwasan. Aba sinabihan kaming sumulat kay Defensrr. O hindi ba. Wala talaga silang balak magtrabaho, ni hindi nga kami iti-nour (tour) sa buong liwasan upang ipakita sa amin kung ang ganda (paking syet) ng kanilang lungga este park. O kaya alalayan kami sa buong proseso ng paghingi ng permit.
Tsk tsk tsk kung ako si Ninoy aalisin ko na ang rebulto nya sa harap ng Visitor's Center ala Rest House ng mga empleyado ng nasabing liwasan.
Ok so hindi pwede sa Parks and Wildlife ni Ninoy. Balik sa McDo, kumain kami ng lunch sa
IhawONE, sarap ng food kaso medyo mamahalin, alam nyo naman ang abang lingkod hindi sosi ahehehe. Dumating si Medel at join sya sa pagkain namin katabi ang super cutey na guy na pinuluputan ng kanyang girlfriend na parang octopus ahehehe. Hinayang na hinayang si Xam, wakekekekeke.
We then decided to go to UP Admin Bldg. to start our meeting. Dun nakasama na namin si
Ergoe (super close ko na) at si
Diane (nabuhay si Diane!) o sya meeting meeting upang alamin ang mga tulang lalamanin ng unang CHAPBOOK ng
Pinoypoets hanggang sa planuhin namin umiba ng pwesto sa likod pa rin ng Admin Bldg. ng UP, ang kaso nasita kami ng guard in his sun glasses (eh mauulap naman) asking us for our permit (syet permit na naman) kasi daw sobra na kami sa sampu. Hmmm sabi nga namin o sya maghiwa-hiwalay tayo, sigawan na lang. ahehehhee. O eh di naputol na naman ang meeting (at tawanan)
Go naman kami sa Likha Diwa, gandang resto na ito sa may Krus na Ligas. Dito sumunod and mga naggwa gwapuhang sina
Emong, Dave at
Kramer at ang magandang si
Andrea. Meeting, kainan, tawanan at chikahan ever, ahehehehe. Ang sexy pala ni
Kramer kapag nagulat ng butiki ahehehe.
"OH shit! shit! shit!" sigaw nya. Oh si
Rhodge o ini-imagine pero ibang setting ahehehehe
Matapos ang meeting, go na sa
UP Fair at dun namin na meet ang
Marc sa buhay ni
Kath. Di nakami pumasok, sina
Kath, Ergoe at
Marc na lang pumasok habang sina
Diane, Claire, Dave, at
Van ay nagsi uwian na. Pero renga muna kami eto ang renga:
RENGA SA UP FAIR
Pinilas na kita sa pahina
ng aking buhay
Ngunit hindi ko maitapon
ang papel, 'di ko mabura
ang mga kataga.
Naisatitik doon ang mga nakatagong
damdaming labi ng ating huwad
na kahapon, ang mga saya at luha
mga pasakit at tuwa
Tila isang tulang walang huling linya
pero meron,
meron,
meron...
Tapos sinamahan namin si
Andrea maghintay sa kanyang borther na tutugtog sa fair. Grabe, ang sweet na sister pala nitong si
Andrea para tuloy gusto ko siyang maging ate.
Haayy so buong magdamag kaming nakatingala (nakahiga) sa damuhan ng Sunken Garden, sa gitna ng maingay na fair kwentuhan parin kami nina
Rhodge. Andrea, Emong, Kai, Xam at si
Ruel Tan.
Ang ganda ng buwan!