cerebral palsy
cerebral palsy
kwaho: ang buhay ay isang sugal

November 28th, 2009

Ang Nakaraan

Posted by kwaho at 10:32 AM on November 28, 2009 in Mga Tula Ko.

May bago akong antipara
mas mataas ang grado sa nauna
parang Nokiang nagiiba
ang hugis, modelo at gana

May bago akong antipara
mas malinaw duon sa nauna
na namantsahan na ng luha't muta
mga basura ng kaluluwa

May bago akong antipara
mas magaan kesa sa nauna
na bumigat sa mga nakita
kaya't tuluyan nang namahinga

May bago akong antipara
mas malinis kumpara sa nauna
dudumi din kapag lipas na
ang libog at pantasya

May bago akong antipara
habang nililimot na ang nauna
hindi ba't nakapagtataka
ikaw parin ang hanap ng mga mata

Deal a Card

November 27th, 2009

Simulang muli ang pagtula

Posted by kwaho at 05:09 PM on November 27, 2009 in Mga Tula Ko.

INSOMYA
para kay Lizanne

sa kalaliman ng gabi
nananaginip ng gising
ang aking diwang nananabik

sa sinag ng araw.
namamasyal sa kabilang
bahagi ng daigdig

habang ang aking katawa'y
nahihimlay sa higaang
sing lambot ng tabla.

may panahong nais kong maaninag
ang sinag ng mga ngiti
na nasa kabilang bahagi ng daigdig.

buong magdamag kitang hihintayin
sa gitna ng dilim...
matyaga kitang hihintayin.

pagsapit ng pagbubukangliwayway
kakalabitin ako ng kumot, aantukin...
iihip ang hangin sa aking mga mata.

matutulog na ang diwang pagal
sa kahihintay masilay
ang iyong pagmamahal.

hindi na ba kita kailangan?
kaya buong araw kitang tutulugan
hanggang maglaho ka na naman...

sa buong magdamag.

(Edwin Padillo / 11:40pm.08.11.09)

4 ang sumugal

Congrats kina Mark, Kiko at Rhodge

Posted by kwaho at 01:11 PM on November 27, 2009 in Mga Plugging.

 

Deal a Card

July 17th, 2009

KASAMA KANG TUMANDA

Posted by kwaho at 06:34 PM on July 17, 2009 in Mga Paglilimi.

Pinoy version ng Grow Old With You ni Adam Sandler
(sinulat ni Gary Granada, inawit ni Ogie Alcasid / Vhong Navarro / Toni Gonzaga)

itong awiting ito
ay alay sayo
sintonado man tong mga pangako sayo
ang gusto ko lamang
makasama kang tumanda

patatawanin kita pag hindi ka masaya
bubuhatin kita pag rinayuma ka na
oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

ibibili ng balot pag mahina na ang tuhod
ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

sasamahan kahit kailan man
mahigit kumulang 'di mabilang
tatlumpung araw sa isang buwan
umabot man tayo sa three-thousand one

magmukha mang bruha pag gising sa umaga
pupunasan ko pa ang muta mo sa mata
oh kay sarap isipin kasama kang tumanda

paglalaba pa kita
matapos mamalantsya
kahit abut-abutin man ako ng pasma
oh kay sarap isiping kasama kang tumanda
sasamahan kahit kailan man
mahigit kumulang 'di mabilang
tatlumput araw sa isang buwan
umabot man tayo sa three-thousand one

labs na labs parin kita
kahit bungi-bungi ka na
para sakin ikaw parin ang pinaka maganda
oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

at nangangako sayo'ng
pag sinagot mo'ng oo
iaalay sayo buong puso ko
sumangayon ka lamang
kasama kang tumanda

4 ang sumugal

July 15th, 2009

Hinahalungkat ang Baul

Posted by kwaho at 10:14 PM on July 15, 2009 in Mga Paglilimi.

Buhay pa pala ito.  Matagal-tagal na ding hindi ko to binubuksan.  Nakaka-miss din pala.  Nakaka-adik kasi ang facebook hehehe.  Susubukan kong magsulat uli. Di ako nangangako pero gagawin ko na lang.

abangan...

Deal a Card

September 8th, 2007

pakipasa BABY ang pasador

Posted by kwaho at 05:03 PM on September 8, 2007 in Mga Paglilimi.

kaninang umaga hinalungkat ko ang bag ni Yani, wala lang, nakaugalian ko ito nuon pa, parang mas nakikilala ko ang taong may ari ng bag kapag sinusuyod ko ang mga gamit sa bag o wallet nya. Alam kong invassion of privacy ito, at hindi ko ito ginagawa ng walang permiso. (paalala sa mga bata: bago makialam ng gamit ng iba magpaalam muna)

Yun na nga naghalungkat ako, at sinisipat ang sisidlan nya ng mga meyk ap, toiletries at iba pang mga gamit. May isang bagay lamang ang pumukaw ng natutulog kong atensyon at ito ang mahiwagang.... baby diaper!

Tumpak, isang baby diaper na hinablot sa akin ni Yani nang makita nyang inilalabas ko ito sa kanyang bag. Tinanong ko kung kanino iyon at sinagot naman nya ako ng kanya daw iyon dahil it's her red flag days, hmmm, apparently, mas mainam daw gamitin ito ng mga kababaihan kapag may buwanang dalaw sila lalo na kapag malakas ang daloy ng mga pulang likido mula sa kanilang keps. (paalala sa mga bata: maghugas ng kamay matapos magbasa ng entry na ito, connect? wala lang, iniisip ko lang na may batang nagbabasa ng maselang post na ito)

Binigyan ko si Yani ng isang nagugulumihanang tingin, at sinagot nya ako na, totoo daw talagang gamit nya iyon. Para mas lalo akong maniwala, sumabat ang kahit kailan na pakialamero sa trabaho namin si Ben-kups. Epektib daw talaga ang baby diapers dahil kahit GF nya ay gumagamit nuon. At mas nakakagimbal pang katotohanan sa likod ng nakakadiring usapang ito, nakaka-itim daw ng keps at singit ang mga napkins kaya mas maige na gumamit ng diapers upang manatiling maputi at mukhang (mukha lang talaga) malinis ang maselang bahagi sa pagitan ng dalawang binti ni Yani.

Oh sya! baka isipin nyo na adult diaper hindi po baby diaper as in huggies at pampers ang brand. Ayos na rebelasyon ito, sana gumawa ng commercial ang pampers imbes na baby ang nagsusuot, babeng nireregla naman. Sang-ayon ako sa innovation na ito, kasi naiiwasan ang masangsang na amoy sa mga panahong tinatagusan ang mga babae. Naranasan ko na kasing makasakay ang isang babaeng mayroon sa loob ng FX at mula Baclaran hanggang sa amin sa Gatchalian, amoy na bilasa, malansa at nabubulok na isda ang amoy!

No offense sa mga kababaihan dyan. Isang tama, maganda at malinis na paraan nga naman ang pagsusuot ng diaper sa panahon ng tagtagos!

 

 

4 ang sumugal

August 29th, 2007

palubog palitaw

Posted by kwaho at 10:07 AM on August 29, 2007 in Mga Paglilimi.

Hindi ko napansin na lagpas isang buwan na pala mula nuong huli akong nag-post ahehehhe. Sa mga nakikibalita (kung meron man) heto ang update sa patuloy na paglalaro ko ng kwaho sa lansangan...

1. Nagpasemi-kalbo ulit ako. Kaya bad trip dahil halos lahat ng taong makakita sa akin, tawag sa akin ay Kuya Boy. Minsan habang nakapila ako sa Mercury may isang batang babae ang napadalawang tingin sa akin sabay tawag sa kaibigan nya at sabi "kaibigan, usap tayo!" hindi pa nasiyahan at inulit pa. Tumigil lang sya nang tingnan ko na sya ng masama. Sa tabaho naman dahil bawal magsalita sa sariling wika, gumawa talaga sila ng paraan para lang ma-alaska ako makakarinig ka tuwing break ng, "Friend, let's talk" Mabilis humaba buhok ko kaya patapos na ang sumpa.

2. Magta-tatlong buwan na ako sa call center at nasasanay na ang katawan ko ng gising sa gabi at humuhihilik sa araw (oo i found out na humihilik na ako narinig ko sa panaginip)

3. Nami-miss ko ang ex ko, bukod sa kakisigan nya at galing sa **mans* madami talagang nangyari sa amin, mga pinagsaluhan at magagandang alaala. Kung may soulmate  man masasabi ko talagang sya na yun. Mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. Di Ba panget?

4. Kuntento naman ako sa current ko apat na buwan na rin kami at mukha talagang tatagal. Kulang lang talaga sa lambing di tulad ni panget. Haaay adik ako sa lambing!

5. Nami-miss ko ang pagsusulat ngunit mukhang ayaw talagang gumana ng utak ko dahil na rin sa pagod at kakaisip ng mga dapat bayaran. Bukod sa tinatamad talaga ako o kulang lang sa inspirasyon. Pero sabi ni Ricky Lee, ginagawa daw ng isip ang inspirasyon, para daw tuloy tuloy parin tayo sa pagsulat kailangang umisip lagi ng bagong inspirasyon kapag nararamdaman nating nawawala na ito. (Hindi ko na rin kaya gawin yun, hay)

6. Adik din ako ngayon sa pagbabasa. Mga kaibigan dyan pahiram naman ng mga libro. Mahal bumili ng bago.

Yan lang muna. Kung may tanong ka. Comment o tagboard lang. Salamat sa pagbabasa.

Deal a Card

« Newer | »